Hi Sir,
tanong lang po..
Puedi po mki suyo mga sirs bka po mero kau alam sa celfon no. ni sir Wilfredo Noriel o tauhan niya , gusto ko lang po mag inquire sa BSD 300 inbred rice seeds nya at nutristar seeds.. Maraming salamat po sir
Hello sir john ang bagong tanim na palay ay karaniwang magstart ang pagsusuwi matapos ang 20 araw.kung lipat tanim po ay maari pong magdagdag ng 7 araw matapos dahil sa recovery ng stress dahil sa transplanting shock.
Hello po Ka Tata, kung irrigated at sabayan ang tanim sa inyong lugar ay mainam po ngayung tag araw ang mga hybrid, ilan po sa mga hybrid na maganda ang performance ay Rc82,18,152,212,214,216,160,222,Rc224,226,238,240,242,,maari din subukan ang mga bagong variety gaya ng298,300 at 302
Hello sir Marcelo hindi po lahat ng variety ay available dto sa philrice. Para malaman po ang mga available na binhi sa Philrice pati na po sa mga branches. I-text lang ang keyword na SEEDS space PhilRice Branch; Halimbawa: SEEDS NUEVA ECIJA at isend sa 09209111398.
Ang iba pang branch ng PhilRice ay Ilocos Norte, Isabela, Laguna, Albay, Negros, Agusan del Norte, North Cotabato at Bukidnon.
Tandaan po isang text kada PhilRice branch ang i-sesend para mabas ng aming sytem ang keyword at makataggap kayo ng autoreply anytime..
Hello sir Nemy, In general ang pinakamainam na basehan ng pataba ay ang soil analysis ng inyong lupa.Maaring sundin ang recommendation per ektarya kung kulang sa NPK ang lupa: 4-5 bags na 14-14-14 at 1-2 bags na 16-20-0 sa ika 10-14 araw matapos maglipat tanim o 16-21 araw matapos magsabog tanim. Gumamit ng leaf color chart(LCC) para malaman kung kailan maglalagay ng urea. Sa panahon ng paglilihi maglagay ng .5 bag ng 0-0-60 at 1-2 bag na urea.
Hello sir Nemy, actually pwede pa naman kyo maglagay ng ntroheno, although wag masyadong sosobra kasya na po ang 1-1.5 bag per ektarya pra maiwasan ang pagtabal ng palay nyo.
Hello Sir Jhong ng angkop na variety po ay depende sa lugar, mainam po na gamitin ang mga subok na sa area, maari po kau magtanong sa mga DA technician or kapwa farmers, ilan po na maganda ay Rc82,18,152,212,214,216,160,222,maari din subukan ang mga bagong variety gaya ng NSIC Rc224,226,238,240,242,298,300 at 302
Hello sir Jhong, actually ang PSB o Philippine Seed Board po ang dating pangalan ng NSIC o National Seed Industry Council.Dahil nagbago na po ang pangalan ay ito na po ang sinusunod sa pagpapangalan ng mga bagong approved na variety.
Ask ko lng po yung taniman nmin ng palay ay naapawan ng baha so in short mejo mabuhangin cia, anung vatirty po aplicable sa ganung klase ng lupa, at anu po mabilis n paraan panu bubulukin dayami?
Hello sir Noel, actually kung medyo mabuhangin ang lupa mabilis itong mawalan ng tubig, maaari po kayong magtanim ng mga early maturing varieties at matibay sa tagtuyot na varieties gaya ng Rc10,12,14,68,130,192,222,68,272,274,276,278,280,282,284,286,288,346 at Rc348.sa pagpapabulok ng dayami pwede po kayong gumamit ng EM1 i-spray lang po ito sa mga ikinalat at basang dayami.
Hello Nemy, mahirap pong ikontrol ang stemborer sa palayan,dapat ay timing po ang pagspray pra maging effective ang lason, mainam na i-monitor po ang palayan kung madami na ang paru paru ng stem borer, kung madami na sila ibig sabihin ay mangingitlog na ang mga ito, mainam na maghanap ng itlog at ilagay sa garapon, takpan at hintaying mapisa, kapag napisa na at madaming uod ang lumabas kailangang magspray na din sa palayan sa loob ng 2 araw para tamaan pa ang mga uod dahil nasa labas pa ang mga ito.
mayroon po kayong alam dito sa pangasinan na nag papractice ng system of rice intensification (SRI).kasi po ayon sa aking mga nababasa sa systemang ito nadodoble ang ani sa isang hectare. angt dumi po ba ng manok ay mainam gamiting pataba sa palay?
Hello sir Jerome, so far po ay wla po kaming contact kung sino po ang nagsasagawa ng SRI sa Pangasinan, although maaari po kayong magtanong sa inyong local DA office baka may alam po silang ngpapractice ng SRI sa inyong lugar.
Hello Anastasia, ang mga kalamidad gaya ng bagyo ay malaki ang epekto sa palay lalo na kung nasa panahon na ng paghinog, kung masyadong malakas ang hangin ay maaaring dumapa or kung malakas ang ulan ay pwede ring malubog sa baha ang tanim na makakasira sa bunga ng palay.

hello sir Nestor,sorry po wala kming contact number ni Wilfredo Noriel.
Panu po malalaman kung and palay at NASA pgsusuwi na kasi po parang magaabot ang pagsusuwi at palilihi and palsy kopo kasi at rc82 110 days
Hello sir john ang bagong tanim na palay ay karaniwang magstart ang pagsusuwi matapos ang 20 araw.kung lipat tanim po ay maari pong magdagdag ng 7 araw matapos dahil sa recovery ng stress dahil sa transplanting shock.
ano po recommended variety/s ngayong dayatan. salamat po!
Hello po Ka Tata, kung irrigated at sabayan ang tanim sa inyong lugar ay mainam po ngayung tag araw ang mga hybrid, ilan po sa mga hybrid na maganda ang performance ay Rc82,18,152,212,214,216,160,222,Rc224,226,238,240,242,,maari din subukan ang mga bagong variety gaya ng298,300 at 302
lahat po ba ng mga variety na ito ay available sa philrice?
Hello sir Marcelo hindi po lahat ng variety ay available dto sa philrice. Para malaman po ang mga available na binhi sa Philrice pati na po sa mga branches. I-text lang ang keyword na SEEDS space PhilRice Branch; Halimbawa: SEEDS NUEVA ECIJA at isend sa 09209111398.
Ang iba pang branch ng PhilRice ay Ilocos Norte, Isabela, Laguna, Albay, Negros, Agusan del Norte, North Cotabato at Bukidnon.
Tandaan po isang text kada PhilRice branch ang i-sesend para mabas ng aming sytem ang keyword at makataggap kayo ng autoreply anytime..
ilang araw po ba talaga ang advisable na pglilipat tanim ng palay mula sa pgkakapunla into.
Hello sir john, inirerekomenda po ang 20-25 araw ng punla bago ilipat tanim.
tanong ko lng po sir kung anong abono ang angkop sa mabuhangin na lupa?
Hello sir Nemy, In general ang pinakamainam na basehan ng pataba ay ang soil analysis ng inyong lupa.Maaring sundin ang recommendation per ektarya kung kulang sa NPK ang lupa: 4-5 bags na 14-14-14 at 1-2 bags na 16-20-0 sa ika 10-14 araw matapos maglipat tanim o 16-21 araw matapos magsabog tanim. Gumamit ng leaf color chart(LCC) para malaman kung kailan maglalagay ng urea. Sa panahon ng paglilihi maglagay ng .5 bag ng 0-0-60 at 1-2 bag na urea.
61 days na po ang aking palay nag bubuntisan na pero medyo madilaw ang dahon kailangan po bang magsabog ng nitrohino?
Hello sir Nemy, actually pwede pa naman kyo maglagay ng ntroheno, although wag masyadong sosobra kasya na po ang 1-1.5 bag per ektarya pra maiwasan ang pagtabal ng palay nyo.
Good morning, ask ko lang kung ang magandang rice variety itanim sa wet season. mdyo mahangin kasi dito sa amin lalo pag tag ulan. tnx
Hello Sir Jhong ng angkop na variety po ay depende sa lugar, mainam po na gamitin ang mga subok na sa area, maari po kau magtanong sa mga DA technician or kapwa farmers, ilan po na maganda ay Rc82,18,152,212,214,216,160,222,maari din subukan ang mga bagong variety gaya ng NSIC Rc224,226,238,240,242,298,300 at 302
good morning po, ano ho ba difference ng PSB Rc sa NSIC Rc rice varieties. tnx
Hello sir Jhong, actually ang PSB o Philippine Seed Board po ang dating pangalan ng NSIC o National Seed Industry Council.Dahil nagbago na po ang pangalan ay ito na po ang sinusunod sa pagpapangalan ng mga bagong approved na variety.
Ask ko lng po yung taniman nmin ng palay ay naapawan ng baha so in short mejo mabuhangin cia, anung vatirty po aplicable sa ganung klase ng lupa, at anu po mabilis n paraan panu bubulukin dayami?
Hello sir Noel, actually kung medyo mabuhangin ang lupa mabilis itong mawalan ng tubig, maaari po kayong magtanim ng mga early maturing varieties at matibay sa tagtuyot na varieties gaya ng Rc10,12,14,68,130,192,222,68,272,274,276,278,280,282,284,286,288,346 at Rc348.sa pagpapabulok ng dayami pwede po kayong gumamit ng EM1 i-spray lang po ito sa mga ikinalat at basang dayami.
San po ako puede makabili ng EM1?
Hello Sir Noel, pwede po kayong makabili ng EM1 sa ilang agri supplies, or pwede rin po dto sa Philrice, P700 po ang 1 liter.
Anu po ba yung EM1? Pag cnabi po ba EM1 ay alamna?
Hello Sir Noel, ang EM po ay effective microorganism, pero hindi po ito gaanong popular sa mga agrisupplies.
Sir anu po ba yung EM1, iba pa pobayun sa truchoderma?
hello sir Noel, magkaiba po ang EM1 sa trichoderma.
magandang gabi po, 45 days na po ang aking palay mula pagka sabog tanim kailan po ba dapat mag spray kontra sa steam borer? thanks po…
Hello Nemy, mahirap pong ikontrol ang stemborer sa palayan,dapat ay timing po ang pagspray pra maging effective ang lason, mainam na i-monitor po ang palayan kung madami na ang paru paru ng stem borer, kung madami na sila ibig sabihin ay mangingitlog na ang mga ito, mainam na maghanap ng itlog at ilagay sa garapon, takpan at hintaying mapisa, kapag napisa na at madaming uod ang lumabas kailangang magspray na din sa palayan sa loob ng 2 araw para tamaan pa ang mga uod dahil nasa labas pa ang mga ito.
kapag nakakita po ng itlog ng paroparo puputulin po ba yng dahon ng palay na may itlog at syang jlalagay sa garapon?
hello po, opo pra hndi masira ang itlog.
mayroon po kayong alam dito sa pangasinan na nag papractice ng system of rice intensification (SRI).kasi po ayon sa aking mga nababasa sa systemang ito nadodoble ang ani sa isang hectare. angt dumi po ba ng manok ay mainam gamiting pataba sa palay?
Hello sir Jerome, so far po ay wla po kaming contact kung sino po ang nagsasagawa ng SRI sa Pangasinan, although maaari po kayong magtanong sa inyong local DA office baka may alam po silang ngpapractice ng SRI sa inyong lugar.
Paano makakagulo sa pagtatanim ng palay ang pagdating ng mga kalamidad tulad ng bagyo?