Rice Talk

rice-talk-icon-questions-just-text-call-or-chat-us

Rice Talk

Questions on Rice? Chat with us!

1111
Leave a Reply

avatar
486 Comment threads
625 Thread replies
28 Followers
 
Most reacted comment
Hottest comment thread
330 Comment authors
adminRemelyn ArevaloJosephChyJohn Recent comment authors
  Subscribe  
Notify of
kristene Marie G. Orquia
Guest

gud day po ask ko lng po kung mai mga available po kayong traditional variety na galng sa quezon province need ko lng po s thesis thankz po

Pinoy Rice
Admin

Hello Kristene, wala kaming available na traditional variety. Try nyo na makipag ugnayan sa inyong local DA office dahil sila ang mga may contact sa mga farmers na nagtatanim ng mga traditional variety, Mostly kasi sa mga upland area sila itinatanim.

crisanto s. arandia
Guest

Nakakaapekto po ba ang malakas na hangin at ulan sa panahon na nagbubuswak at namumulaklak ang palay? At ganundin kng ito ay malubog sa tubig sa panahon ng pagbubuswak at pamumulaklak?

Pinoy Rice
Admin

Hello sir Crisanto, ang malakas na hangin ay maaaring makaapekto sa paglabas ng bunga at pamumulaklak, maaari kasing mabali ang puno at masira ang bulaklak ng palay.Mas malaki ang epekto sa ganitong panahon ang malubog sa tubig baha dahil maaaring mapasok ng tubig ang bulaklak ng palay at masira ito.

Joseph
Guest
Joseph

PANO kung nahulog na halos Ang nota Ng butil Ng palay na namumulaklak dahil sa medyo malakas na hangin.

Rose
Guest

Hi po,

Ask ko lang po kung meron tayong historical price ng palay at bigas. If meron po pwede po bang humingi ng kopya?
historical price from 2012 to up to present.

Pinoy Rice
Admin

Hello Mam Rose, regarding sa historical prices ng mga agricultural commodities gaya ng palay at bigas ay makakakuha kayo ng data sa Bureau of Agricultural Statistics o BAS so far ang mga data po na ito na ginagamit ng aming mga researchers ay hndi pa napupublished at galing din naman sa BAS.

Grace
Guest

ilang buwan pwedeng itago ang palay na hindi pinapa kiskis?

Pinoy Rice
Admin

Hello Mam Grace. actually depende po sa pagiimbak ang tagal ng mga palay na bago masira,usually ang iniimbak na palay ay hndi naman nasisira basta hndi nababasa ng tubig o kaya naman nasisira ng mga peste gaya ng bukbok( rice weevil) at mga daga. Mainam na iimbak ang mga palay na hndi hihigit ng 1 taon, mainam din na ibilad muna ang palay na nakaimbak bago ipa-mill.

gerry
Guest

Ano po ba ang pinakamainam na binhi na maraming umani?

Pinoy Rice
Admin

Hello Sir Gerry,ang angkop na variety po ay depende sa lugar, mainam po na gamitin ang mga subok n sa area, maari po kau mgtanong sa mga DA technician or kapwa farmers, ilan po n mgnda ay Rc82,18,152,212,214,216,160,222,maari din subukan ang mga bagong variety gaya ng NSIC Rc224,226,238,240,242 298,300 at 302. Maaari din po kayong magtanong sa PhilRice Text Center sa 09209111398.

gerry
Guest

Hello sir, tanongko lang po sana kung ang katabing palayan ko po ba y napakaraming atangya at itoay nagbomba ng peaticide, maaaripo bang lumipat ito sa aking palayan? Anopo b ang naturalna paraanpara masugpo ang atangya sa palay, yun po kase ang may mariming kaso sa aming lugar ngayon…salamat po

Pinoy Rice
Admin

Hello Sir Gerry, actually maaari pong lumipat ang mga tangya sa inyong palayan dahil mabilis silang lumipad, pero kung wala pa naman sa milking stage ang palay nyo ay wala pa itong magagawang sira. Kahit hindi na magspray ng lason para ma-conserve ang mga beneficial insects na mas effective magkontrol sa mga peste.

jhon
Guest

Ang 0 0 60 po ba ay pgnglilihi dapat ilagay

Pinoy Rice
Admin

Hello sir John,depende po sa lagay ng lupa ang paglalagay ng 0-0-60 mainam po na ilagay ang kalahati ng rekomendasyon sa unang paglalagay ng pataba kung base sa soil analysis ay kulang sa potassium ang inyong lupa at sa panahon ng paglilihi naman ang natitirang kalahati. Sa timing po ng paglalagay ay tama po sa panahon ng paglilihi.

jhon
Guest

pwede po ba along mgspay ng fungicide tulad ng admire kahit wala PNG sakit any palsy at ilang araw po malalaman kung nglilihi na any palay

Pinoy Rice
Admin

Hello Sir John, hndi po inirerekomenda na magspray ng pesticides kahit wala pang peste o sakit dahil pagtatapon lang po ito ng pera, may mga sintomas naman kayo na makikita bago magspray. Maaring malaman ang umpisa ng paglilihi ng palay depende po sa variety, bawasan lang ng 65 araw ang maturity nito at ang matitira ay umpisa ng paglilihi mula sa pagkakapunla nito, maaari ding magdisect ng puno, kung magumpisa ng mabuo ang bulaklak sa dulo ng buko, nasa paglilihi na ang palay.

Rizalino Ortega
Guest

Ano po ang compatible insecticide sa fungicide na FunguranOH? Thanks.

Pinoy Rice
Admin

Hello Sir Rizalino, mostly po sa mga insecticides ay compatible ihalo sa ibang lason, mainam na basahing mabuti ang label sa lalagyan ng lason kung aling mga uri ng solution ang compatible na ihalo sa kanila.

roland garcia
Guest

hello po gud morning po ,tanong ko lang po kung ilang kilo ng binhi per hektar ang kinakailangang ipunla ang variety ko po ay bigante at rc10.kc po sablay yung una kong patanim malaki po ang nalugi sa akin.1st time ko po na gumamit ng hybbrid resulta po malayo ang agwat o distance ng pagkakatanim..kaya po sa mga may experience .ilan po ba ang tamang layo o distanya ng pagtanim at ilang kg po per hektar bigante at rc10 inaasahan ko po ang inyong pagtugon salamat po..

Pinoy Rice
Admin

Hello Sir Ronald kasya na po ang 40 kg na binhi kung inbred at 15-20 kg na hybride pra sa 1 ektaryang palayan. Mainam na gumawa ng 400 m2 na punlaan pra sa 1 ektaryang palayan. Ang rekomendadong planting distance or agwat ng tanim ay 20cm X 20cm.pwede rin po kyong magtext sa PhilRice Text Center sa 09209111398

1 9 10 11 12 13 49