Rice Talk

rice-talk-icon-questions-just-text-call-or-chat-us

Rice Talk

Questions on Rice? Chat with us!

1111
Leave a Reply

avatar
486 Comment threads
625 Thread replies
28 Followers
 
Most reacted comment
Hottest comment thread
330 Comment authors
adminRemelyn ArevaloJosephChyJohn Recent comment authors
  Subscribe  
Notify of
Peter Brian
Guest

Hello po! Anu po bang mga uri ng palay na makakatagal ang hindi masyadong kailangan ng tubig? dahil alam naman natin na ngayon ay panahon ng El NiÑo. salamat po!

Pinoy Rice
Admin

Hello Brian, sa banta ng el nino mainam na magtanim ng mga early maturing at matibay sa tagtuyot na rice varieties gaya ng Rc192,10,14,130,134,222,
68,80,9,272,274,276,278,280,282,284,286,288,346 at Rc348.

Joshua Gualberto
Guest

Good Day Sir/Ma’am,

Ano po ang mga recommended na rice varieties ngayong tag-ulan?

Pinoy Rice
Admin

Hello Joshua,ang angkop na variety po ay depende sa lugar, mainam po na gamitin ang mga subok n sa area, maari po kau mgtanong sa mga DA technician or kapwa farmers, ilan po n mgnda ay Rc82,18,152,212,214,216,160,222,maari din subukan ang mga bagong variety gaya ng NSIC Rc224,226,238,240,242 298,300 at 302

Randolf Aaron M. Resueño
Guest

Nakakataba po ba ang brown rice o pinawa? Bakit?

Pinoy Rice
Admin

Hello randolf, actually hndi nakakataba ang brown rice dahil sa taglay na dietary fiber nito, mas mabilis din itong nakakabusog ngunit matagal bago muling mkaramdam ng gutom kaya hndi nahihikayat ang palaging kumain.Mas nakakatulong nga ito sa pagpapapayat.

Jem
Guest

Ano po ang pinakamagandang solusyon na maari kong magawa bilangbisang estudyante upang mahikayat ang mga kapwa ko ein estudyante upang kumain at tangkilikin ang brown rice o pinawa?

Pinoy Rice
Admin

Hello Jem, mainam na gawin para maipalganap ang pagkain ng brown rice ay ipakilala o ipaalam sa kanila ang kahalagan ng pagkain nito, maaring magbigay ng mga leaflets or pagkain mismo ng brown rice bilang halimbawa.

Cherry Mae Pleto
Guest

Pano po mapapanatili ang maayos na palayan pag po maraming peste?

Pinoy Rice
Admin

Hello Cherry Mae, para mapanatili ang ganda ng palayan, mainam na siguraduhing malinis ang pilapil, palayan maging ang paligi nito pra makaiwas sa peste. Iwasan din ang sobrang paggamit ng lason pra mapanatili ang mga kaibigang kulisap na mas effective na magkontrol sa kanila. Makakatulong din ang sabayang tanim para kalat ang mga peste.Madami din ang mga pamamaraan para makaiwas sa mga peste mula sa tamang pagpili ng binhi,paghahanda ng lupa, paglalagay ng pataba, pamamahala sa tubig at sa mga peste Magkakaugnay din ang mga ito dahil maaaring makaapekto ang mga pamamahala sa magiging gastos at sa ani.

Cherry Mae Pleto
Guest

Pano po ba maiiwasan ang pagkasira ng palayan pag may kalamidad at kung paano po ito masosolusyonan?

Pinoy Rice
Admin

Hello Cherry Mae, hindi natin maiiwasan ang kalamidad lalo na ngayun na malaki na ang epekto ng Climate change,para makaiwasa sa grabeng epekto ng Climate Change kailangang sundin ang mga pamamahala sa ating tanim mula sa tamang pagpipili ng binhi depende sa lagay ng taniman, mga karaniwang peste maging ang halaga nito sa merkado. Kailangan din ang tamang pamamahala sa paghahanda ng lupa, pamamahalasa sa tanim, tubig,pataba sa peste hanggang sa pag aani.

Cherry Mae Pleto
Guest

Ano po ba ang mga nutrients na makukuha sa brown ric?

Pinoy Rice
Admin

Hello Cherry Mae, ang Brown rice ay mayaman sa vitamin B3, vitamin B1, vitamin B6, manganese phosphorus, iron, mataas ang dietary fiber at natatanging fatty acids.

Mikaela Dianne Ganibo
Guest

Magandang araw po! Ano po bang mga bitamina o mga sustansiya ang tinataglay ng brown rice na wala sa “quality rice o white rice”? Maraming salamat po.

Pinoy Rice
Admin

Hello Mikaela, ang brown rice ay napakadaming nutritional values , Although ang complete milling at polishing na ginagawa sa brown rice pra maging white rice ay nawawala ang 67% ng vitamin B3, 80% ng vitamin B1, 90% ng vitamin B6, 50% manganese,50% ng phosphorus, 60% ng iron, maging ang lahat ng dietary fiber at natatanging fatty acids.

Rey
Guest

ano po yun dinorado na red rice at black rice?

Pinoy Rice
Admin

Hello Sir Rey ,ang dinurado rice po ay isang traditional rice variety na popularly known na mula sa Kabacan North Cotabato. Actually ang term na Dinurado ay genral term sa mga fancy or premium rice. Madami po ang mga klase nito gaya ng pigmented rice like black,red at meron ding white rice.

Anastasia
Guest

Paano nakakaperwisyo ang mga suso at iba pang mga hayop?

Pinoy Rice
Admin

Hello Anastacia, hindi natin maiiwasan ang kalamidad lalo na ngayun na malaki na ang epekto ng Climate change,para makaiwasa sa grabeng epekto ng Climate Change kailangang sundin ang mga pamamahala sa ating tanim mula sa tamang pagpipili ng binhi depende sa lagay ng taniman, mga karaniwang peste maging ang halaga nito sa merkado. Kailangan din ang tamang pamamahala sa paghahanda ng lupa, pamamahalasa sa tanim, tubig,pataba sa peste hanggang sa pag aani.

1 7 8 9 10 11 49