Rice Talk

rice-talk-icon-questions-just-text-call-or-chat-us

Rice Talk

Questions on Rice? Chat with us!

1111
Leave a Reply

avatar
486 Comment threads
625 Thread replies
28 Followers
 
Most reacted comment
Hottest comment thread
330 Comment authors
adminRemelyn ArevaloJosephChyJohn Recent comment authors
  Subscribe  
Notify of
Isleta,Angelica
Guest
Isleta,Angelica

Bakit po nagkakakulangan sa tubig po ang ibang palayan ?

Pinoy Rice
Admin

Hello Angelica, malaki ang epekto ng topograpiya at klima sa isang lugar kaya kinukulang ang tubig, sa mga lugar na matataas ay nahihirapang magtanim dahil wlang irigasyon kumpara sa kapatagan, samantalang kung panahon ng tag araw ay limitado ang tubig kaya madami ang laugar na hndi nakakapagtanim.

andrei
Guest

Paano mas mapapadami ang bunga ng mga palay?

Pinoy Rice
Admin

Hello Andrie, mainam na sundin ang mga kailangang pamamahala ng palayan para masiguro ang magandang ani, mula sa pagpili ng binhi, paghahanda ng lupa, pamamahala sa tanim, pataba,sa tubig, peste hanggang sa pag aani, Pwede mong malaman ang mga pamamahala sa website na ito.

jai
Guest

Ito po ang mga problemang kinahaharap ng mga magsasaka na nais mabigyan ng sagot 1.Paano po ba maiiwasan ang daga? 2.Paano po ba maiiwasan ang atangaya? 3.Paano po ba maiiwasan ang suso? 4. Ano po ang solusyon ng disease ng tanim na tungro? 5.Bakit po naninilaw ang palay na iisang buwan pa laming naitatanim? 6.Ano po ba ang tamang abono? 7.Ano po ba ang tamang binhi kapag El niño? 8. Paano naman po pag tag – ulan ano po ang tamang binhi? 9.Ano po ba ang tamang insectiside kapag madamo ang Palayan na may tanim na palay? 10.Ano po ang… Read more »

Pinoy Rice
Admin

Hello Jai, maaari mong malaman ang mga sagot sa mga katanungang nais mong masagot sa website na ito, patungkol sa mga peste magpunta lang sa keycheck # 7 o pamamahala sa peste. Para naman sa pamamahala sa pataba magtungo lang sa Keycheck#5. Maaari din kayong magtanong sa PhilRice Text Center sa 09209111398.

Anastasia
Guest

Paano nakakaperwisyo any mga suso at iba pang mga hayop?

Pinoy Rice
Admin

Hello Anastasia, ang mga suso ay kumakain ng mga bagong tanim na palay na nagiging dahilan ng pagkakaroon ng missing hills, maaaring magdulot ng malaking problema kung sobrang dami na nila.Madami din ang mga peste sa ating palayan at iba iba ang ginagawa nila, may leaf feeders, sap suckers, grain feeders at mga sakit.

andrei
Guest

Anu-ano ang mga paraan upang hindi masyadong masalanta o mapinsala ng kalamidad ang palayan?

Pinoy Rice
Admin

Hello Andrie, hindi natin maiiwasan ang kalamida, pero makakatulong ang pagpapanatili ng tibay ng tanim pra hndi gaanong mapinsala dulot ng kalamidad gaya ng bagyo.Iwasan ang sobrang pataba pra hindi lumambot ang puno ng palay na nagcause ng madaling pagtumba.Ayusin at linisin din ang mga kanal at patapunan pra madaling tanggalin ang tubig.kung tatg tuyot mainam na magtanim ng mga variety na mabilis anihin at may tibay sa tuyot.

andrei
Guest

Paano maiiwasan o mapapaunti ang mga peste sa palayan?

Pinoy Rice
Admin

Hello Andrie, madami ang pamamaraan pra mas kakaunti ang atake ng peste. Ilan sa pamamaraan ay makipagsabayan sa pagtatanim sa inyong lugar sa loob ng 1 buwan. Gumamit ng barayti na matibay. Araruhin agad ang bukid pagkatapos umani at pahingahin ang lupa ng 1 buwan. Linisin ang paligid para walang ibang pamahayan ang mga peste.

Emmard
Guest

Sir ano-ano po yung mga varieties ng rice na akma sa month of September??

Pinoy Rice
Admin

Hello Emmard, ang angkop na variety ay depende sa lugar, mainam na gamitin ang mga subok n sa area, maaring magtanong sa mga DA technician or sa mga farmers, ilan na magnda ay Rc82,18,152,212,214,216,160,222,maari din subukan ang mga bagong variety gaya ng NSIC Rc224,226,238,240,242 298,300 at 302

Jerry
Guest

Saan Ba ako makakabili ng dinurado seeds dito sa luzon

Pinoy Rice
Admin

Hello sir Jerry wala po kaming available na seeds ng Dinurado, pero pwede kayong mgtanong sa inyong local DA office baka po may alam sila na nagtatanim ng dinurado rice.

Emmard
Guest

Sir itanong ko lang po kung ano-ano ang mga present pest and diseases na nakakaapekto sa growth and yield ng rice ngayon?

Pinoy Rice
Admin

Hello Emmard,ang mga insektong karaniwang umamatake sa palay ay Mole Cricket,Leaffolder,Whorl Maggot,Stemborer,Rice Bug,Armyworm,Green Leafhopper,Rice Black Bug,Brown Planthopper,Golden Apple Snail,Rat,Bird,Earthworm.Major Diseases of Rice Plant:
Bacterial Diseases; Bacterial leaf blight, Bacterial leaf streak: Fungal Diseases; Rice blast, Sheath blight: Viral Disease; Tungro

Andrei Gamara
Guest

Paano po mas mapapaayos ang patubig sa palayan?

Pinoy Rice
Admin

Hello Andrie, pra maayos ang patubig sa palayn, siguraduhing malinis ang mga kanal. Linisin din ang mga pilapil at siksikin ang mga ito para maiwasan ang pagtagas.Importante din na mapatag ang lupa bago magtanim pra mas madali at mabilis ang pagpapatubig.

Gerard fletcher
Guest

Sir I heard about a variety of rice that grows without irrigation that can be harvested same number of mounts as the irrigated one. Name is nerica, from Japan. Just wonder if we have this variety here ? Thank you.

Pinoy Rice
Admin

Hello sir Gerard, Nerica rice is generally produced in Selected region in Africa where the projects of JICA situated and the main commodity produced is rice, this is where the name Nerica stands for New Rice for Africa. However, there are also varieties here that have characteristics same as those nerica rice, we do have upland rice and aerobic rice. PhilRice together w/ IRRI also developing new breed of rice that can adapt to climate change challenges like for drought, saline and flood prone areas.

Michael
Guest

Good day po. ano pong magandang variety ng dinorado na pwedeng itanim sa irrigated rice land? San po ako makakabili ng certified dinorado seeds?thanks po

Pinoy Rice
Admin

good day po. ang Dinorado ay isa sa mga upland traditional varieties. Para malaman ang iba’t-ibang barayti ng palay, i-click ang Rice varities tab sa homepage ng PinoyRice Knowledge bank website. thank you.

crisanto s. arandia
Guest

Sa nsic rc 238 , ok lng po b split ko to 2x application ng urea 1st app ay 17-21 DAT 2nd app – 28-32 DAT wid 12.5 kgs ng 0-0-60 para sa .5 has?

Pinoy Rice
Admin

Good morning. base po sa maturity days ng Rc238, ok naman po yung timing ng pag-aapply at dami ng fertilizer na inyong gagamitin.
Imonitor lang po ang pananim for next application ng urea gamit ang LCC. thank you..

Noel
Guest

sir good day! San po ako puede magirder ng rc 192?
At san san po ako puede mag pa orient
Thru online? Thanks

Pinoy Rice
Admin

Good afternoon. @Mr Noel, ang PhilRice po sa ngayon ay walang available na Rc192. Maaari po kayo makabili sa mga malapit na seed growers sa inyong lugar. About sa orientation, kung nais nyo malaman ang teknolohiya sa pagpapalay ay marami po kayo makukuhang impormasyon dito sa PinoyRice Knowledge bank. I-click lamang po ang “Resources” tab. Mayroong mga videos, babasahin, audio clips, at marami pang ibang impormasyon sa pagpapalay na makukuha. Salamat po.

Noel
Guest

Base po sa record nio ok po gamitin ang product ng victory global, yung nakakatunaw daw po ng dayami?

Pinoy Rice
Admin

Hello Sir Noel, ang Victory global po ay madami na din innovations pero so far ay wala pa kaming evaluation tungkol dito, may mga pamamaraan po pra mapataas ang ani, tulad ng pagbbalik ng dayami, kung ito po ay naikalat at nabasa ng tubig unti unti na din namang mabubulok. Pwede rin po gumamit ng mga Effective Microorganism o EM pra mapabilis ang pagbubulok gaya ng produkto ng Victory global.

Noel
Guest

Aside from victory global anu po yung puede nio i recomend skin pra mapabilis ang pagbubulok ng dayi?

Pinoy Rice
Admin

hi mr noel, pwede rin po gumamit ng mga Effective Microorganism o EM pra mapabilis ang pagbubulok gaya ng produkto ng Victory global.

1 6 7 8 9 10 49