Rice Talk

rice-talk-icon-questions-just-text-call-or-chat-us

Rice Talk

Questions on Rice? Chat with us!

1111
Leave a Reply

avatar
486 Comment threads
625 Thread replies
28 Followers
 
Most reacted comment
Hottest comment thread
330 Comment authors
adminRemelyn ArevaloJosephChyJohn Recent comment authors
  Subscribe  
Notify of
eric
Guest
eric

Sir anu po ang pnakamainam na gamot sa neckblast ng 218

Pinoy Rice
Admin

Hello sir Eric, ang neckblast po ay sanhi ng rice blast na karaniwan na umaatake din during vegetative stage, kung nakakita na ng sintomas ay mainam na imaintain ang tubig at magspray ng fungicides. Para makaiwas sa neck blast ay mainam na magspray ng fungicides sa start ng paglabas ng bunga at dapat ulitin kung nasa 50% na ang nkalabas ang bunga. Pero kung may neckblast na po ay mahirap ng kontrolin dahil huli na po ang pamamahala.

Jhon
Guest

Magandang gabi po.pwede pa po bang itanim ang 50 days old na punla at kung itanim ko po anu po ang mangyayari sa aking palay ang variety po ay rc222 anu po ang dapat kung gawin salamat po

Pinoy Rice
Admin

Hello sir Jhon, kung nasa 50 days old na ang punla ay masyado na pong matanda, halos nasa reproductive stage na po ito kaya mas mainam nalang na palitan ang binhi, or magdirect seeding nalang po. kasi po kung ililipat tanim ay hndi na din po ganun kaganda ang peformance ng tanim dahil malaki na po ang nabawas sa vegetative stage nya kung ilipat tanim pa.

Toby
Guest

Gud day day sir, ask ko lng kung available sa philrice ang nsic 358, nsic 368 at nsic rc29, salamat

Pinoy Rice
Admin

Hello sir Toby, so far ang Available seeds at PhilRice Isabela as of 10/25/16
Foundation Seeds(P80/kg): Rc 238, 302, 308, 214, 300, 192
Registered Seeds(P42.50/kg): Rc160, 23, 82.

Joe Marie
Guest

Yung RC10 variety ba is good for 85 days maturity from seeding to harvesting

Pinoy Rice
Admin

Hello Sir Joe, ang PSB Rc10 (Pagsanjan) para sa palayang may patubig. karaniwang ani 4.8 t/ha at kayang umani ng 7.5 t/ha. may paggulang na 106 araw, karaniwang taas na 77 sm. Matibay sa blast, BPH. Nasa gitna ng matibay at mahina sa bacterial blight, tungro, at stem borer. Medyo matibay sa GLH. May porsyento ng bigas na 66.62%.katamtaman ang haba ng butil.Matigas pag naluto.

Joe Marie
Guest

I need an 85days maturity rice variety with resistance to disease & pest that could thrive either on wet or dry rice field.

Pinoy Rice
Admin

Hello sir Joe, there are no approved variety yet with 85 days maturity. but some of the approved early maturing varieties (<110 days ang maturity) are:PSB Rc4,8,12,14,10,82, NSIC Rc23,118,120,130,134,140,144,146,148,152,154,192,220,238,242.

farmer
Guest

pahabol na tanong po…ano po maganda sa pag sugpo sa mga damo sa palayan ang bilis dumami..nag spray naman kami ng mga herbicides ilang beses..pero dumadami pa rin sya hirap pugsain , nag spray kami dati ng pre emrgent herbicide tapos nag post emergent herbicides 40 days na nakaraan..baka pag hinaluan ko ng oranic fertilizer o microbial inoculant mas dadami pa mga damu at mabilis sila lumaki?

Pinoy Rice
Admin

Hello sir,may mga ilang considiration po kasi sa effective na pagcontrol ng mga damo sa palayan mainam po na dapat patag ang palayan at may sapat na source ng tubig. kung patag po ay imaintain lang ang 2-3 cm na lalim ng tubig para hindi agad tumubo ang mga damo.Kung malalaki na po ang palay ay hndi na makakalaki ang damo dahil nalililiman na sila. Dapat lang po na makontrol sila sa loob ng 1 buwan mula maitanim dahil mahirap na silang ikontrol kung malalaki na. May mga selective din po na herbicides na dapat po ay akma sa klase… Read more »

Toby
Guest

Ask ko lng po sir kung san mkakabili ng green super rice variety, tnx

Pinoy Rice
Admin

Hello sir Toby, sa ngayun ang mga green super rice or GSR ay under field trials palang kaya mostly sa kanila ay hindi pa approved variety. So far po ang na-approved na GSR lines ay ang NSIC Rc390 ( Salinas 19),NSIC Rc392(Salinas 20) at NSIC Rc29(Katihan 4).Pwede po kayong bumili ng binhi dito sa PhilRice.

farmer
Guest

may na introduce po ang friend ko na maganda sa pananim palay organic na ang tawag microbial innoculant na maganda daw sa lupa pag na apply at gumaganda ang ani..pero gusto ko pa rin gumamit ng inorganic fertilizer..ok po ba na maghalo halo ang organic fertilizer ay saka inorganic fertilizer sa palayan? wala po ba masamang epekto sa palay pag gumamit ako ng produkto nila na organic at inihalo ko rin ang inorganic fertilizer?

Pinoy Rice
Admin

Hello sir, wala naman pong masama sa nga microbial inoculants. pwede pa rin po kayong gumamit ng inorganic fertilizers sa lupa.Yun nga lang po magkahiwalay po silang iaapply. sa part po na epekto sa lupa sa paggamit ng kanilang produkto ay sa tingin po namin ay wla naman dahil kung organic based naman po ay napapaganda pa nito ang uri ng lupa, although hindi po ito ang solusyon lamang sa pagganda ng ani dahil mas kailangan pa rin ng palay ang readily available na pagkain na galing sa in organic na pataba, dahil mostly sa mga organic based na pataba… Read more »

Madel
Guest

Mga ilang porsyento po ba sa buong Pilipinas, ang nagkakaroon ng common diseases sa rice plant gaya ng Rice blast, blight, tungro, sheath blight at streak?

Pinoy Rice
Admin

Hello Madel, ang pag atake ng ga sakit ng palay ay madami ang factors na nakakaapekto.Kaya mahirap magcollect ng data sa mga atake ng sakit sa buong bansa lalo na kung specific na data. Ang Pilipinas kasi ay magkakaiba ang klima ay geographical location, maaaring ang mga sakit ay magiging mapanira kung nakauha nito ang favorable na environment. Ang ating mga magsasaka ay madami na din ang mga pamamaraan para ikontrol sila, so pwedeng sa isang community ay hindi naman lahat ng palayan ay aatakihin ng peste. Malaki din ang kinalaman ng ibat ibang variety ang itinatanim na may mga… Read more »

Madel
Guest

Maraming salamat po! Nais ko lang rin pong malaman na kung mapapatest sa laboratoryo para matukoy ang sakit sa palay ay aabutin po kaya ng magkano at gaano katagal?

Pinoy Rice
Admin

Hello madel depende sa klase ng sakit, hindi kasi kami familiar sa mga process ng analysis sa rice diseases.Pwede ka rin makipag ugnayan sa aming cCrop Protection Division sa trunklines (044)456-0277 local 320 or 322.

jed
Guest

halimbawa more or less 80 days old na ang edad ng tanim kong palay may napansin ako sa mga dahon na parang kulang sa nitrogekasi ang iba parang yellow hindi naman lahat 10 percent lang siguro sa kabuuhan dapat pa ba ako mag abono dito? or e foliar fertilizer na lamang sya? kung sakaling ok ang foliar ano ba maganda gamitin

Pinoy Rice
Admin

Hello sir Jed, actually kung nasa 80 days old na ay may bunga na ang tanim, although kung late maturing at nasa 5-10 % palang naman ang nkalabas na bunga ay pwede pang mgdagdag ng pataba na hndi lalagpas sa 1 bag na urea kada ektarya. Mas effective din po kasi na kumuha ng pataba ang ugat kaysa sa dahon.Pwede rin naman po alternative ang foliar fertilizer lalo kung ihahalo ninyo sa ibang pesticides para minsanan ang application.Hindi po kasi kami nagrerekomenda ng brand names.

1 21 22 23 24 25 49