Rice Talk

rice-talk-icon-questions-just-text-call-or-chat-us

Rice Talk

Questions on Rice? Chat with us!

1111
Leave a Reply

avatar
486 Comment threads
625 Thread replies
28 Followers
 
Most reacted comment
Hottest comment thread
330 Comment authors
adminRemelyn ArevaloJosephChyJohn Recent comment authors
  Subscribe  
Notify of
magtatanim
Guest

ano pong mga list ng rice varities na maganda e ratoon…ang rc 82 ba at 238 bumubunga uli after harvest ?

Pinoy Rice
Admin

Magandang araw po, ang ilan po sa mga nasubukang variety na mainam para sa ratooning ay Rc18,28,82, 122, 160 at 222,sa mga hybrid naman ay Rc72H,116H,124H,132H,136H,162H,Rc210H at Arize TEJ.

Reg
Guest

Anong varieties ang mainam gamitin para sa brown rice?

Pinoy Rice
Admin

Hello Reg, ang mga recommended variety na ginagamit for brown rice ay ang mga malalambot na variety gaya ng NSIC Rc160, Rc128, Rc216, Rc218, Mestizo 1 atbp. Kasama na din po ang mga traditional pigmented rice na karaniwang de hulled lang ang milling process nila.

magtatanim
Guest

good eve..meron po bang variety seeds ng ang philrice na 70-80 days lang harvest na agad?

Pinoy Rice
Admin

Hello po, so far ay wla pa pong na approved na variety na nasa 70-80 days lang ang maturity.

alex
Guest
alex

ano po angmay pinaka early maturity sa sabog tanim

Pinoy Rice
Admin

Hello Alex, ang mga barayti na less than 110 days ang maturity o mga early maturing varities ay PSB Rc4, Rc8, Rc12, Rc14, Rc10, Rc82, NSIC Rc23, Rc118, Rc120, Rc130, Rc134, Rc140, Rc144, Rc146, Rc148, Rc152, Rc154, Rc192, Rc220, Rc238, Rc242, Rc436, Rc438, Rc440.

Kim
Guest

Good day po,
Maari po ba ako humingi ng rekomendasyon sa inyo kung anung klase ng rice variety na merong long grain, mabango, at malambot na klase ng bigas. at kung saan po makakabili ng binhi para dito. salamat po

Pinoy Rice
Admin

Hello Kim, ang ilan na pwdeng itanim na masarap ay ang mga Mabango varieties: NSIC Rc128 (Mabango 1); NSIC Rc148 (Mabango 2); NSIC Rc218 (Mabango 3); NSIC Rc342SR (Mabango 4); NSIC Rc344SR (Mabango 5);Rc160,Rc216 atbp. Karaniwan na mabibili sila sa mga seed growers or seed dealers sa inyong lugar.

rodel
Guest
rodel

Hi sir ask ko lang po kung ilang abono ang pwdeng ilagay sa 1 ha At ilang days dapat mag abono after maglipat tanim po.

Pinoy Rice
Admin

Hello sir rodel, In general ang pinakamainam na basehan ng pataba ay ang soil analysis ng inyong lupa.Maaring sundin ang recommendation per ektarya kung kulang sa NPK ang lupa 4-5 bags na 14-14-14 at 1-2 bags na 16-20-0 sa ika 10-14 araw matapos maglipat tanim. Gumamit ng leaf color chart para malaman kung kailan mglalagay ng urea. sa panahon ng paglilihi maglagay ng .5 bag ng 0-0-60 at 1-2 bag na urea.

rodel
Guest
rodel

Hi sir ask ko lang po yung nabili namin na binhi galing san manuel isabela, 401 ang rice variety nya at 150 days daw po ang maturity. Sa philrice ba galing toh? Makaka ani ba kmi ng madami pag 150 days ang maturity ng palay thnx po

Pinoy Rice
Admin

Hello Sir Rodel, wala pa pong approved variety na 401, baka po Bio 401 o ang hybrid na NSIC Rc162H. Pero hndi po ito 150 days, masyado na po kasing matagal ang maturity kung 150 days. Although may advantage din po ito dahil may sapat na araw pa para sa pagbuo ng mga suwi at paggawa ng pagkain. Pero dahil matagal anihin maaaring mapektuhan ito lalo sa kakulangan ng tubig or sa mga peste.

magtatanim
Guest

kung highbrid po ang itanim..mga ilang kilos po dapat sa isang hectarya..ok po ba ang dapog method?

Pinoy Rice
Admin

Hello sir/mam, kung hybrid po ang itatanim gamit ang drumseeder ay maaaring magcalibrate ng dami ng nalalaglag sa kada butas. karaniwan ay umaabot ng 20-30 kilo ang kailangan ngunit mas gusto ng mga magsasaka ang paglilipat tanim sa kung hybrid dahil mas nakakasiguro sila. Mainam din po ang modified dapog dahil hindi na gaanong nassaktan ang punla. mas kakaunti din ang kailangang punla.

magtatanim
Guest

sir last week nakaani na po ako direct seeding sa kabilang palayan ko ang binhi ay rc 238…sa isang hectarya 45 sacks lang naani ko last year ganun din 3 sacks naman ng binhi nilagay ko doon at saka ang abono ko lahat na nilagay doon 8 sacks din pero magaan bunga maliit ang tanim nag granules naman ako at sari saring pesticides ang na spray ko..ano po kaya dahilan bakit ganun lagi ani ko? pero yong mga katabi kong palayan mataas sila mag ani..kaya lang hindi nila sinasabi sa amin kung ano ginagawa nila sa palayan nila para dumami… Read more »

magtatanim
Guest

sir meron ba drumseeder sa philrice? magkano kaya ito….ano po advantage ng drumseeder at disadvantage nito..ilan kayang kilong binhi sa isang hectarya gamit ang drumseeder…marami na ba nakasubok nito na ok naman ang pananim nila?

Pinoy Rice
Admin

Hello Sir/Mam, meron po dito sa PhilRice na drumseeder ang presyo ay P8000/unit. Ang advantage nito ay mas kakaunti lang ang kailangan na binhi dahil nasa 60-80 kg lang ang kailangan sa kada ektarya. Mas madali din ang pagmanage dahil nakalinya na ang mga tanim at naiiwasan din ang competition. Mas tipid din sa gastos sa pagtatanim dahil 1-2 tao lang ang kailangan. Ang disadvantage lang nito ay kailangan na tama ang pagpapatubg ng binhi dahil kung mahaba na ang ugat ay mahirap ng malaglag sa butas, hndi inirerekomenda kung maulan sa lugar dahil madali lang maanod ang buto. Hndi… Read more »

Pinoy Rice
Admin

Hello Sir/Mam, madami po kasi ang pwedeng dahilan ng hindi gaanong mganda ang performance ng palay. Maaari po na sa binhi baka po paulit ulit nalang itong itinatanim, ang 3 bags po sa kada ektarya ay sobrang dami na nagiging sanhi din ng competition. Pwede rin po na sa oataba, baka may isang elemento ang kulang or nagiging toxic na sa tanim kaya mainam na magsagawa ng soil analysis para malaman din kung anu ang mainam na pataba. Pwede rin po ang tubig baka po kinukulang o kaya naman ay atake ng sakit at ibang mga peste.Pwede rin po kayong… Read more »

Ash
Guest
Ash

Mabuhay Pinoy Rice representative!

Kung ang binhi na ginamit ko po ay 120 days, kasama na po ba ang pagbilang ng araw yung first day ng pagpupunta? Ganoon po kasi ang bilang ng Rice crop manager (IRRI).

Paki-abiso po. Salamat.

Pinoy Rice
Admin

Hello sir Ash, kung bibilangin po kasi ang maturity ay kasali po ang sowing date, kaya kasama po ang araw ng pagkakapunla.

eric
Guest
eric

Hello sir gud day ask ko lng po kung my available na foundation seed na 218 sa sta cruz occidental

Pinoy Rice
Admin

Hello sir Eric, so far po ay hindi pa nakakaani ang PhilRice Mindoro kaya wala pa pong available na binhi sa kanila.

1 22 23 24 25 26 49