Long sleeves – Kahit anong uri ng damit na matatakpan ang buong kamay upang maprotektahan ito laban sa araw. Mas mabuting ang damit na gagamitin ay gawa sa bulak upang maging presko rin ito sa katawan.
Sumbrero (Hat) – Sinasalakot upang protektahan ang ulo sa init na dulot ng araw.
Bota (Boots) – Mahalagang gumamit ng bota kapag pupunta sa bukid upang maiwasang masugatan ang paa sa mga matatalas at matatalim na bagay na nasa lupa tulad ng mga kuhol na nakabaon dito.
Sulimpat (Goggles) – Ginagamit sa pagigiik upang maprotektahan ang mga mata sa mga maliliit na bagay tulad ng alikabok at ipa.
Gas mask – Ginagamit kapag naglalagay ng kemikal sa mga halamang tanim. Makakatulong ito para makaiwas na malanghap ang hangin habang nag-iispray dahil ito ay nakasasama sa kalusugan.
Guwantes (Rubber hand gloves) – Ginagamit kapag nagaaply ng kemikal sa mga tanim. Maari ring maging proteksyon sa mga matatalas at delikadong bagay.
Kapote (Raincoat) – Ginagamit ito kung umuulan upang sa gayon maprotektahan ang buong katawan.
Ear plug – Ginagamit sa paggiik upang hindi mapasukan ng nagliliparang mga ipa ang tenga. Dahil kung
napasukan ang tenga ng maliliit na bagay maari itong magdulot ng impeksiyon at pagkabingi.

