Mga dapat na isaalang-alang sa pagpili ng tamang lugar ng pagpupunlaan:
- May sapat na pagkukunan ng tubig at madaling patuyuan
- Malayo sa poste ng ilaw upang maiwasan ang mga peste katulad ng aksip, berdeng ngusong kabayo, kayumangging ngusong kabayo, at iba panginsekto
- Malayo sa mga sakahang naapektuhan na o may sakit na tungro at iba pang sakit
- Protektado ang punlaan sa mga peste katulad ng golden kuhol, daga, at ibon
- Nasisikatan ng araw at hindi nalililiman ng mga puno at iba pang harang
Mga hakbang sa paggawa ng kamang punlaan
1. Patubigan ang lupa ng pagpupunlaan upang mapadali ang pag-aararo at ang pagtubo at pagkabulok ng mga damo at iba pang bagay.
2. Araruhin ang kamang punlaan at ilubog ito sa tubig ng isang lingo.
3. Suyurin ang kamang punlaan ng tatlong beses sa pagitan ng 5-7 araw.
4. Isang araw bago magsabog ng pinatubong binhi, gumawa ng kamang punlaan na may taas na 10 sentimetro (sm). Maaaring kumuha ng lupa mula sa gilid ng ginagawang kamang punlaan.
- Ang kamang punlaan ay may lapad na 1 metro (m).
- Ang kabuuang sukat ng punlaan na kailangan sa bawat ektarya ay 500-600 m2. (100-200 m2 para sa mga pagitan).
- Maglaan ng 30-40 sm na pagitan sa bawat kamang punlaan.
5. Maglagay ng 10-15 sako ng patabang organiko o 3-4 sako ng komersyal na patabang organiko sa taas ng kamang punlaan. Ihalo at patagin ang pataba bago ang pagsasabog ng punla upang maging madali ang pagbunot at hindi masira ang mga ugat ng punla. Maari ring gumamit ng inuling na ipa o carbonized rice hull o sawdust at iba pa).

