Pagpapataba ng Punlaan
- Sampung araw pagkapunla, ubos na ang reserbang pagkain ng halaman sa loob ng buto. Maaaring kumuha ng nutrisyon ang halaman mula sa lupa o sa inilagay na pataba.
- Maglagay ng 4 na kilo ng 16-20-0 o kaya ang 14-14-14 at kung mapansin na kailangan na ng palay. (10gramo/m2)
- Huwag magsabog ng pataba kung basa ang mga dahon ng punla upang hindi masunog ang mga ito.
Katangian ng malusog na punla
- Nagdudulot ng pantay-pantay na pagtubo at paglaki
- Pantay-pantay ang taas at laki
- Maikling lapak (leaf sheaths)
- Matibay sa peste at sakit
- Mas maraming mahahaba at matitigas na ugat
- Mas mabilis lumaki kaysa sa hindi mainam na punla kapag inilipat sa bukid

