Bacterial Blight (BB) – Tagalog

in Keycheck7 Pest Management-tagalog

Bacterial Blight (BB) - Tagalog

Mga pinsala sa halamang palay
1.    pagka‐lanta at pagka‐tuyo ng punla
2.    paninilaw at pagka‐tuyo ng mga dahon
3.    pagbaba ng ani

Mga senyales at sintomas ng sakit

1.    Pagkakaroon ng sakit na ‘leaf blight’

  • Mayroong tila basa at kulay dilaw na markang pahaba sa mga dahon na maaaring magsimula sa mga dulo nito, na kalaunan ay humahaba at lumalapad, na may alon‐alon ang gilid.
  • Ang pag‐litaw ng mga namumuong mga tila‐gatas o malabong patak ng hamog sa mga bagong hiwa o sugat ng dahon sa umaga.
  • Sa pagkalat ng sakit, ang mga sugat o hiwa sa mga bahagi ng may sakit na halaman ay dumidilaw hanggang sa
    mamuti.
  • Natutuyo agad ang mga dahong na‐apektuhan ng husto ng sakit.
  • Kinalaunan, ang mga sugat o hiwa sa mga bahagi ng may sakit na halaman ay nagku‐kulay abuhin dahilan sa pagtubo ng sari‐saring amag na bumubulok sa anumang bagay.
  • Mao‐obserbahan mga isa hanggang tatlong linggo pagka‐ tanim ng palay.
  • Unang palatandaan ay ang pagkakaroon ng berde at mamasa‐masang suson sa pinutol na bahagi o sa dulong bahagi ng dahon ng palay.
  • Ang mga dahon ay nalalanta at lumulukot, at nagku‐kulay abuhing‐berde hanggang sa maging kulay dilaw.
  • Ang buong halamang palay ay nalalanta at lubusang natutuyo.

2. Pagkakaroon ng paninilaw ng dahon sa malalaki ng halamang palay

  • Ang mga murang dahon ay pantay ang pagka‐dilaw o may malapad na dilaw na guhit.
  • Ang mga magulang na dahon ay hindi na nagpapakita ng anumang sintomas.

3.  Sa pinakamatinding pinsala, ang mga uhay ay hindi naglalaman ang butil, bagamat hindi nabansot ang halaman.

Mga kondisyong pumapabor sa paglaganap ng sakit
1. Maraming damo sa palayan
2. Maraming mga naiwan na pinag‐gapasan sa palayan na dating dinapuan ng sakit
3. May bakterya ng sakit sa tubig ng palayan o kanal ng irigasyon
4. Mainit na temperatura sa paligid, mataas na halumigmig sa hangin, mga pag‐ulan, at malalim na pagpapatubig sa palayan
5. Sobra‐sobrang pag‐aabono
6. Hindi magandang pagbubunot at pagdadala ng punla sa pagtatanim
Download Bacterial Blight (BB) - Tagalog

Are you satisfied with the material?
  • Yes (6)
  • No (2)

Leave a Reply

avatar
  Subscribe  
Notify of

Previous post:

Next post: