1. Sangkap sa abonong organiko
Ang pangunahing sangkap upang maging maganda ang abonong organiko ay: dumi ng hayop (4 na parte), CRH (4 na parte), darak (1 parte), at kompost (1 parte).
2. Bilang pangkondisyon ng lupa (ameliorant)
Ang paghahalo ng 10-15 sako(10 kilo bawat sako) ng abonong organiko na may CRH sa 20 kamang punlaan ay nagpapadali sa pagbunot ng punla. Ang laki ng bawat kama ay 1 metro ang lapad at 20 metro ang haba (400 metro kuwadrado) at ito ay sapat na punlaan para sa isang ektaryang taniman ng palay.
3. Bilang pampadalisay ng tubig
Ang nalikhang karbon sa CRH ay sumasala sa mga dumi sa tubig na nagpapadalisay naman sa tubig na magagamit o maiinom sa bahay. Epektibo rin ang
CRH sa paglilinis ng nagamit na at maruming tubig upang magamit itong muli.
4. Bilang isa sa pangunahing gamit sa paggawa ng microbial inoculants (MI)
Kapag inihalo ang 30-50% ng CRH sa MI, nagiging lalo itong kapaki-pakinabang.
Ang CRH ay siyang likas na lugar ng mga nakatutulong na maliliit na organismo na nagpapabilis sa pagbulok ng mga dahon.
5. Bilang ahente sa pagkontrol ng peste
Bunga ng taglay nitong kulay na itim, ang CRH ay nakapagpapanatili ng init mula sa sikat ng araw. Nagtataglay rin ito ng silica na bumabalisa sa mga golden kuhol. Kapag inilagay ito pagkatapos patagin ang lupang nililinang, ang mga kuhol ay napipilitang lumabas na siya namang nagbubunsod sa madali at mabilis na pagkolekta sa kanila.
6. Bilang uling na panggatong
Ang maliliit na uling mula sa CRH ay isang mabuting alternatibong panggatong. Kung ihahambing sa simpleng ipa lamang na mas matagal na magbigay ng init, ang CRH ay madaling paringasin upang magbigay ng init kaya ito’y nagiging magandang panggatong sa pagluluto.
7. Bilang pang-alis o pampigil ng masamang amoy
Nililinis, pinipigil o inaalis ng CRH ang masamang amoy sa pamamagitan ng activated carbon na siyang sumisipsip ng amoy sa hangin. Katulad ito ng
nangyayari kapag ang uling ay inilagay sa loob ng refrigerator. Nagagamit din ang CRH bilang hihigang-alip-ip o mulch bed sa kulungan ng mga hayop upang mabawasan ang masamang amoy mula sa ihi at dumi ng hayop.


Leave a Reply