Ito ay paraan ng pamamahala ng patubig mula sa paghahanda ng lupa, pagpapalaki ng palay hanggang bago umani gamit ang alternate wetting and drying (AWD) upang mapakinabangan nang husto ang tubig irigasyon at iba pang gamit sa pagpapalayan.
Mga benipisyo ng Kontroladong Pagpapatubig
- Nakababawas ng 16%-35% sa dami ng tubig na pinapasok sa pinitak na di-naaapektuhan ang ani ng palay
- Nakatutulong sa magandang pagtubo ng mga punla ng palay, nakasisiguro ng pagkabuhay ng lipat-tanim, at nakapagpapaganda sa pagsuwi na nagreresulta sa pantaypantay na pagtubo ng palay
- Nakatutulong na maging mas epektibo ang halamang-palay sa paggamit ng sustansya na galing sa lupa at sa
abono na ibinibigay sa mga ito - Nakatutulong upang umabot ang patubig sa mga sakahan na nasa dulo ng sistema ng irigasyon
- Binabalanse ang sustansya sa lupa
- Nakatutulong sa pagkontrol ng damo
- Pinabababa ang pag-atake ng kuhol
- Mas mababang gastos sa pagpapatubig
- Nakatutulong upang hindi humapay o dumapa ang mga halamang-palay
- Nakatutulong sa mekanikal na pag-aani
Mga inaasahang gagamit ng CI
1. Mga sakahan na kakaunti lamang ang suplay ng tubig o kaya ay mga sakahan na:
- nasa dulo ng sistema ng irigasyon
- gumagamit ng small water impounding systems
- may maliit lamang na pinag-iimbakan ng tubig
- kasama sa mga komunal na irigasyon
- gumagamit ng pump irrigation system (shallow tube o deep well)
2. Mga sakahan na malapit sa kanal na:
- malambot ang hard pan (ang matigas na bahagi sa ilalim ng lupa) kaya mas mahirap ang mga gawain tulad ng paghahanda ng lupa, pag-aani, at pagdadala ng mga ani palabas ng palayan.
Mga importanteng konsiderasyon
1. Paraan ng pagtatanim
- Lipat-tanim (madalas na isinasagawa kapag tag-ulan at sa mga lugar na mahirap ang pagkontrol sa tubig)
- Sabog-tanim (mas kaunti ang ginagamit na tubig lalo na kapag isinasagawa ito sa mamasa-masang lupa)
- Panahon ng pagtatanim
- Tag-tuyo (mas maraming patubig ang kailangan)
- Tag-ulan (mas kaunting patubig ang kailangan)
2. Uri ng lupa
- Lupang malagkit (clayey) na kung saan ang tubig ay madalas na tumatagal ng 3-5 araw sa unang 5 sm na lalim ng lupa
- Lupang katamtaman ang lagkit (loam) o medyo galas (sandy loam), magalas o bahagyang magalas na kung saan tumatagal lamang ng 24 na oras ang patubig. Sa ganitong uri ng lupa, mas madalas ang pagpapatubig ngunit kailangan ay mababaw lamang (2-3 sm) o sanap-sanap para mapababa ang pagkawala ng tubig.


Leave a Reply