Paglalagay ng observation well sa pinitak
Pumili ng representateng parte sa pinitak na mapaglalagyan ng observation well. Ang pinakamainam na lugar ay may distansiyang 1-2 m mula sa pilapil dahil ditto madali ang pag-obserba ng lalim ng tubig sa pinitak.
- Para sa mga bukid na halos pare-pareho ang kalagayan ng bawat pinitak, sapat na ang isang observation well kada ektarya. Sa mga bukid na magkakaiba ang kundisyon base sa klase ng lupa, elebasyon o kalagayan ng pinitak, kailangang tig-iisang observation well ang ilagay base sa pagkakaparehong kondisyon.
- Sa napiling lugar, hawakan at itulak ng diretso pailalimsa lupa ang tubo.
- Hugutin ang tubo at alisin ang lupa na nasa loob nito.
- Ibalik muli ang tubo kung saan ito unang ibinaon at ulitin ang proseso hanggang ang marking tag-ulan o tag-araw ay pumantay sa ibabaw ng lupa.
- Tiyakin na ang marking tag-araw o tagulan na ipinantay sa ibabaw ng lupa ay naaayon sa kasalukuyang panahon ng pagtatanim.
Sa napiling lugar, hawakan at itulak ng diretso pailalim sa lupa ang tubo.
Hugutin ang tubo at alisin ang lupa na nasa loob nito
Ibalik muli ang tubo kung saan ito unang ibinaon at ulitin ang proseso hanggang ang marking tag-ulan otag-araw ay pumantay sa ibabaw ng lupa.
Paggamit ng observation well
- Sa tag-ulan, magpatubig hanggang pumantay ang tubig sa ibabaw ng tubo. Kung tag-araw naman, magpatubig hanggang umabot ang tubig sa guhit na may markang tag-ulan.
- Muling magpatubig gamit ang teknik na controlled irrigation kapag wala ng tubig na makikita sa observation well.
Mga Paalala
- Simulan ang pagpapatubig gamit ang observation well isang buwan matapos ang pagtatanim o paglipat-tanim. Sa panahong ito, malusog na ang mga palay at naisagawa na ang mga pamamaraan upang maiwasan ang damo.
- Hindi kailangang palagiang may tubig ang pinitak sa panahon ng pagsusuwi. Mas magiging malusog ang halaman at lupa kung mayroong oksiheno sa ugat na tutulong ditong ibalanse ang iba-tiba nitong mga aktibidades.
- Sa panahon ng pamumulaklak, panatilihin ang 5 sm lalim ng tubig sa pinitak upang maiwasan ang pagkakaroon ng maraming tulyapis na dulot ng kakulangan sa tubig.
- Ang huling pagpapatubig ay isang linggo bago umain sa galas na lupa at dalawang linggo bago umani sa lagkiting lupa.
Sa tagaraw, magpatubig hanggang umabot ang tubig sa guhit na may markang tag-ulan.
Sa tagulan, magpatubig hanggang pumantay ang tubig sa ibabaw ng tubo
Muling magpatubig gamit ang teknik na controlled irrigation kapag wala ng tubig na makikita sa observation well.


Leave a Reply