Ang feel method o pagtaya sa pamamagitan ng paghipo ay maaaring gamitin upang malaman kung anong uri ang inyong lupa. Sa paraang ito, kumuha ng sampol ng lupa, basain ng kaunti, at ikuskos sa pagitan ng daliri.
A) Pinong kayarian o tekstura ng lupa
- Madikit, malagkit, at bumubuo ng sintas (ribbon) pagkapindot at kapag ikinuskos sa pagitan ng daliri.
B) Bahagyang magalas (katamtamang tekstura) ng lupa
- Bahagyang madikit, magaspang o mabuhangin, at hindi nagiging sintas kapag pinindot at ikinuskos sa pagitan ng daliri (halimbawa, loam, silt loam, at sandy loam).


Leave a Reply