Praktikal at madaling isagawa gamit ang Kontroladong Pagpapatubig

in Keycheck6 Water Management-tagalog

Praktikal at madaling isagawa gamit ang Kontroladong Pagpapatubig

Teknik bago magtanim
1. Ayusin nang mabuti ang mga pilapil at kanal bago o sa unang pagpapatubig, o bago dumating ang tag-ulan.

Mga sukat ng pilapil at kanal:
a. 30 sentimetro (sm) luwang mainam na sukat; nagdudulot ng mabilis na pagdaloy ng tubig; madaling pangasiwaan.
b. Sukat ng traktora o makinang pambukid nagdudulot ng mabilis na pagdaloy ng tubig; may 4-5 hanay ng punla ang maaaring taniman.

2. Gumamit ng tamang paraan sa pagtatanim na ayon sa makukuha at makokontrol na patubig.

3. Araruhin agad ang lupa matapos ang pag-aani.

4. Iklian ang panahon sa paghahanda ng lupa kung di-gaanong madamo o kakaunti lamang ang pinaggapasang puno ng palay.
Isa hanggang dalawang linggo para sa mga palayang walang damo o kaya’y inararo ng tuyo ang lupa; hanggang tatlong linggo para sa palayang may dayami pa at kagagapas lang; at hanggang apat na linggo para sa mga palayang maraming damo at pinaggapasan o dayami.

5. Gumamit lamang ng sapat na tubig sa paghahanda ng lupa para ito ay magputik, mabulok ang mga organikong materyales, at mapatag ang lupa.

6. Paghahanda at pagpatag sa lupa nang mabuti. Kailangang pantay ang distribusyon ng tubig sa buong palayan at may lalim lamang na 2-3 sm.

7. Kapag gumamit ng pamatay-damo sa unang buwan, sundin ang tamang paraan ng pamamahala ng tubig batay sa pamatay-damo na ginamit.

Mga hakbang matapos ang pagtatanim
1. Panatilihin ang 2-3 sm lalim ng tubig simula sa pagtatanim hanggang isang buwan. Ito ay makatutulong para mabuhay ang mga itinanim na punla at para makontrol ang damo.

2. Gamitin ang pamamaraan ayon sa Kontroladong Pagpapatubig sa pamamagitan ng paggamit ng observation well. Ito ay ginagamit para masukat ang antas o lalim ng tubig sa palayan upang malaman ang tamang panahon ng pagpapatubig.
Download Praktikal at madaling isagawa gamit ang Kontroladong Pagpapatubig

Are you satisfied with the material?
  • Yes (3)
  • No (0)

Leave a Reply

avatar
  Subscribe  
Notify of

Previous post:

Next post: