Mayroong 16 na elementong kailangan ang palay upang mabuo ang kanyang inog ng buhay. Ang mga ito ay pinangkat sa 9 na makro-elemento at sa 7 na maykroelemento.
Ang halamang palay ay nangangailangan ng mas maraming makro-elemento at kaunti lamang na dami ng mga maykro-elemento. Ang mga pinakamahalaga sa mga sustansya ay ang Nitroheno, Posporo, Potasyo, Sulfur, Zinc, Copper, at Iron.
| Elemento | Gamit |
|---|---|
| Nitroheno | Nagbibigay ng berdeng kulay sa mga bahagi ng halaman lalo na ang dahon. Nanghihikayat ng mabilis na paglaki o pagtaas at bilang ng suwi. Nagpapataas ng laki ng dahon at butil, bilang ng butil sa uhay, at protinang taglay ng butil. Pinasisigla ang pagdami ng mga ugat. Nanghihikayat ng mas maagang pamumulaklak at pagkahinog partikular sa mga may malamig na klima. |
| Posporo | Tumutulong sa pagdami ng ugat at aktibong pagsusuwi. Tumutulong sa pagkakaroon ng magandang butil at nagpapataas ng halaga ng pagkain. |
| Potasyo | Tumutulong sa pagsusuwi ng palay at pinalalaki at pinabibigat ang butil ng palay. Nagpapataas ng tugon ng palay sa posporo. Gumaganap ng mahalagang papel sa mga pisyolohikal na mga proseso sa halaman, kasama na ang pagbukas at pagsara ng istomata at ang tibay sa mga hindi paborableng kalagayang pang-klima. Nagbibigay-tibay sa palay laban sa mga sakit na gaya ng blast at Helminthosphorium |
| Zinc | May kaugnayan sa produksyon ng auxin, isa sa pinakakilalang pampalago ng halaman. Mahalaga sa pagdebelop/paglaki ng mga punla. |
| Sulfur | Kailangan sa pagbubuo ng bitamina at ibang mga hormone. Mahalaga sa pagpapagana ng mga enzymes ng halaman, enzyme activators at oxidation reduction reactions. |
| Iron | May kinalaman sa pagbuo ng chlorophyll. Kailangan sa pagproseso sa protina. Nakapagpapabagal ng pagsipsip ng potasyo sa halamang-palay. |
| Copper | Kailangan sa pagbuo ng lignin (depensa ng selula) at kabuuan ng enzymes. May mahalagang bahagi sa potosintesis, paghinga, pagbubuntis, at pagbubuo ng polen. |


Leave a Reply