Paano isagawa ang Minus-One Element Technique (MOET)

in Keycheck5 Nutrient Management-tagalog

Paano isagawa ang Minus-One Element Technique (MOET)

1. Kumuha ng 30 kilo na sampol ng lupa mula sa iba’t-ibang lugar sa palayan.

Tandaan: Huwag kumuha ng sampol sa lupang 1 metro ang lapit sa pilapil, may dumi ng hayop, bato, damo, at puno ng palay.
Kung hindi pantay ang lupa, magsasagawa ng magkaibang MOET set-up isa para sa palayang nasa itaas na lugar at isa para sa mababang lugar.

2. Ilagay ang sampol ng lupa sa isang malaking plastic na banyera o balde. Kung tuyo ang lupa, ibabad muna ito ng isang linggo. Haluing mabuti ang kinolektang lupa. Maglagay ng tig apat na kilo ng basang lupa sa 7 maseterang plastik o paso na walang butas.

3. Lagyan ng kaukulang pananda ang paso na katulad ng ganito: Complete, -N, -P, -K, -Zn, -S, at -Cu. (Ang ibig sabihin nito ay kumpletong abono, kulang sa N o nitroheno, kulang sa P o Posporo, kulang sa K o potasyo, kulang sa Zn o zinc, kulang sa S o sulfur, at kulang sa Cu o copper).

4. Ilagay ang pormulasyon o pakete ng complete sa tapat ng paso na may panandang Complete, at ganun din sa iba pang mga pakete ng pormulasyon. Maghugas ng kamay pagkatapos ihalo ang pormulasyon sa bawa’t paso bago lumipat sa ibang paso.

5. Maglipat tanim ng 4-5 na punla na may edad na 10-12 na araw sa bawat paso. Kung pinasibol na buto ang gagamitin, mas mainam na mas maraming buto ang ilagay sa bawat paso para maiwasan ang pagtatanim na muli.

6. Siguraduhing laging may tubig sa paso. Ilagay ang paso sa lugar na nasisikatan ng araw pero hindi masisira ng mga hayop tulad ng manok at kambing. Pagkaraan ng dalawang linggo, bawasan ang punla at magtira lamang ng dalawang malulusog na punla.

7. Obserbahan ang paglaki ng palay. Makalipas ang 45 araw, ihambing ang laki at dami ng suwi ng bawat paso sa nakatanim na palay sa pasong may kumpletong pataba. Ang may kumpletong pataba ay inaasahang maganda ang paglaki o bulas. Kung ang paglaki ng palay sa lahat ng paso ay malulusog , nangangahulugan na may sapat na sustansya ang lupa. Kung ang palay na nakatanim sa isang paso ay mas mababa ng 80 % sa laki o bilang ng suwi, ang lupa ay kulang sa ganitong uri sustansya.

8. Gawing basehan ng pataba ang resulta ng MOET. Ang rekomendasyon ng pataba ay makikita sa pakete.
Download Pagkolekta ng lupa para sa laboratory soil analysis

Are you satisfied with the material?
  • Yes (97)
  • No (9)

Leave a Reply

avatar
  Subscribe  
Notify of

Previous post:

Next post: