Paggamit ng Trichoderma sp

in Keycheck7 Pest Management-tagalog

Paggamit ng Trichoderma sp

Ang Trichoderma sp. ay isang uri ng benepisyal o kaibigang amag (fungus). Ito ay isa sa mga sikat na organismo na ginagamit sa bayolohikong pamamahala ng mga sakit ng halaman dulot ng masasamang amag. Nakatutulong ito upang maiwasan ang mga sakit ng mga halamang gulay tulad ng tomato stem rot, onion bulb rot, at paltak.

Sa punlaan

  • Maghalo ng 15 gramo ng Trichoderma sa 16 litrong tubig at i-sprey sa punlaan bago magpatubig o pagkatapos magpatubig.
  • Kapag may namamatay na punla, mag i- spray agad ng Trichoderma upang mapigilan ang paglala ng sakit.

Sa lipat-tanim

  • Maghalo ng 15 gramo ng Trichoderma sa 16 litrong tubig
  • Bago itanim ang mga punla sa bukid, isawsaw ang mga ugat sa solusyon ng Trichoderma ng 5-10 minuto.
  • Kapag may namamatay o nalalantang tanim, mag i-sprey agad ng Trichoderma.
  • Kapag may maagang senyales ng paltak, maaring gumamit ng Trichoderma. Nakatutulong ito sa pagpigil ng pagdami ng sakit.

Ang pag-iisprey ay maaaring gawin bago o pagkatapos magpatubig, magpunla o magsabog-tanim at kapag may namatay na punla.
Download Paggamit ng Trichoderma sp

Are you satisfied with the material?
  • Yes (6)
  • No (0)

Leave a Reply

avatar
  Subscribe  
Notify of

Previous post:

Next post: