Rice Talk

rice-talk-icon-questions-just-text-call-or-chat-us

Rice Talk

Questions on Rice? Chat with us!

1111
Leave a Reply

avatar
486 Comment threads
625 Thread replies
28 Followers
 
Most reacted comment
Hottest comment thread
330 Comment authors
adminRemelyn ArevaloJosephChyJohn Recent comment authors
  Subscribe  
Notify of
Jonjon p.
Guest

May tanim po akong sl8 mga 50 days na po ngayon kaso namumula ung ibng mga dahon, ano po kaya magandang gawin para gumaling?

Pinoy Rice
Admin

Hello sir Jonjon, karaniwan po na sakit ng mga hybrid gaya ng SL8 ay ang bacterial leaf blight na kung saan ay naninilaw simula sa tip ng dahon papuntang gilid pati na din ang bacterial leaf streak na kung saan naninilaw ang dahon na parang may mga guhit sa gitna ng dahon. karaniwan po ito sa laging babad sa tubig, sobrang berde ang dahon at laging makulimlim o maulan na panahon. Mainam po na idrain po muna ang sobrang tubig, iwasang maglagay muna ng madaming pataba. Pwede rin pong magspray ng copperbased fungicides.

Nelson F.
Guest

Good Morning,

Please on rice plantations, when applying fertilizers urea for examples, what is recommended? the rice field should have no water or with water and how many days before irrigating after applying the fertilizers?

Thank You,
Nelson

Pinoy Rice
Admin

Hello sir Nelson, it depends on the soil class, for clayey to heavy clay where soil is muddy it is efficient to apply fertilizer with little water (2-3 cm depth) to where the granules will dropped directly in the soil, hence lower fertilizer losses.In sandy clay to sandy soil standing water is necessary prior to fertilizer application. Water should be kept for at least 3-5 days before re-irrigation.

Jimmy Cabral
Guest

Sa mga kinauukulan… Saan po kami makakakuha ng binhi…karamihan ng mga magsasaka sa amin ay gumagamit ng makalumang uri ng binhi. Gusto namin mag avail ng makabagong binhi para mapaangat namin ang aming ani. saan po kami pweding makabili. pag sa mga nagbibinhi subrang mahal kada sako halos doble kaya ang mga magsasaka paulit ulit na lang ang ginagamit na binhi…salamat po

Pinoy Rice
Admin

Hello po Sir Jimmy, maaari po akyong makabili ng de kalidad na binhi sa mga seed growers sa inyong lugar. Maaari po kayg sumangguni din sa inyong local DA office baka po mayroon silang subsidiya sa mga binhi.Para po makasiguro sa mga binhi na bibilhin ay dapat mayroong certification tag na nakalagay sa sako. Base po sa mga isinagawang varietal trials at participatory varietal selection ang mainam sa inyong lugar ay Rc18,218,354,302,222,216,160,300 at 238.Maaari din po akyong bumili dito sa PhilRice pero sa ngayun po ay nagtatanim palang kami ng mga binhi baka sa sususnod na anihan pa po ang… Read more »

Antero Juatco
Guest

Hi,..
Could you give some information about the right timing to apply Fertilizer for an RC-10 variety rice plant …I am having conflicting info about this …when to apply for the tillering period ,..and Panicle initiation stage ……

Pinoy Rice
Admin

Hello Sir Juatco, In general the best basis of fertilizer is soil analysis of your field, but in absence of that you may follow the gen recommendation per ha if your soil has defficiency in Nitrogen(N),Phosphorus(P) and potassium(K)apply 4-5 bags of 14-14-14 & 1-2 bags of 16-20-0 at 10-14 DAT this the tillering stage. At the start of panicle initiation apply.5 bag ng 0-0-60 & 1-2 bag urea, for PSB Rc10 the start of panicle initiation is at 40-45 days after sowing.

Lodelita
Guest

Nag umpisa pa lang po kami ng FFS Rice.
Nabanggit po ng technician na pwede na magtanong kaya hinanap ko sa Google. Salamat po

Pinoy Rice
Admin

Hello Lodelita, ito po ang PinoyRice maaari po kayong makabasa,makapakinig ng interview sa mga rice expert at makapanood ng mga teknolohiya sa pagpapalay. Maari din maka download at magtanong. Salamat po:)

JF
Guest

Hello Po,
Maitatanong po kapag affected ng tungro virus ang palayan anu po mainam gawin nasa pagbubuntis po ngayun ang palay. Salamat Po…

Pinoy Rice
Admin

Hello JF, Ang tungro ay sakit ng palay na cause ng tungro virus, ang sintomas ng tungro: pagkabansot at paninilaw o pagkukulay dalandan ng mga dahon ng halaman. Pero kung nasa reproductive stage o sa pagbubuntis na ay tolerable na ang atake ng tungro.Wala pa rin pong lason o gamot sa tungro virus.

Adonis Relampagos
Guest

Hello sir nagtanim kami ng RC 160 variety na rice last Dec. 01, 2017( sabog tanim ) . ano po ang pinakamainam na abono sa stage ng palay at ilang saku ang dapat iabono?

1. 14 days after sabog tanim?
2. Pagsusuwi? ilang araw ito after sabog tanim?
3. Paglilihi? ilang araw ito after sabog tanim?
4. Pamumulaklak? ilang araw ito after sabog tanim?
5. Paghinog? ilang araw ito after sabog tanim?

Pinoy Rice
Admin

Hello Sir Adonis, pasensya na po sa late response.In general ang pinakamainam na basehan ng pataba ay ang soil analysis ng inyong lupa.Maaring sundin ang recommendation per ektarya kung kulang sa NPK ang lupa: 4-5 bags na 14-14-14 at 1-2 bags na 16-20-0 sa ika 16-21 araw matapos magsabog tanim(pagsusuwi). Gumamit ng leaf color chart para malaman kung kailan maglalagay ng urea. sa panahon ng paglilihi maglagay ng .5 bag ng 0-0-60 at 1-2 bag na urea. Ang paglilihi po ay sa ika-42 araw matapos magsabog tanim. Kung mapusyaw na po ang dahon sa umpisa ng paglabas ng bunga(5-10%) ay… Read more »

arlina golonan
Guest

Hi po! may SWOT ng Rice Production niyo for Cordillera adminstrative Region po? pede pa send

Pinoy Rice
Admin

Hello Arlina, wala po kaming data or publication specific sa SWOT ng Rice Production for Cordillera, we recommend that you may visit the DA Regional Office in your area. Mayroon naman po na collaborative project with PhilRice na Heirloom Rice Project, maari mong i-access sa http://irri.org/resources/publications/brochures/the-heirloom-rice-project or http://irri.org/resources/publications/brochures/heirloom-rice or a written story ng PhilRice sa http://www.philrice.gov.ph/heirloom-rice-preserved-made-productive/

bongbong
Guest

goog morning pinoy rice..how about RC218 ?any feedback in terms of yield nya?

JAY AR
Guest

Sir pagkatapos pong maglipat tanim anung araw ang pinakamaagandang magspray ng herbicide?
kelangan po bang maintain ang tubig pagkatapos maglipat tanim para hindi po tubuan ng damo?

Pinoy Rice
Admin

Hello sir Jay ar, may 2 klase po ng pandamo sa palayan pwedeng gumamit ng mga pre emergent herbicide sa bagong tanim na palay at ang post emergent herbicides naman kung mahigit 1 week ng nakatanim ang palay. kung patag naman po ang lupa ay mainam na imaintain ang 2-3 sentimetro na lalim ng tubig para hindi makatubo ang damo at hindi gaanong makagala ang mga kuhol.

1 30 31 32 33 34 49