Pamamahala ng Ani
Gumapas at gumiik ng palay
sa tamang panahon
Ang tamang paggapas at paggiik ay nakapagdurulot ng
magandang kalidad na butil, mahal na presyo sa merkado,
at pagkagusto ng mga mamimili.
HANDOUTS | LEARNING MODULES | AUDIO CLIPS | VIDEO |
---|---|---|---|
[youtubegallery] | http://www.youtube.com/watch?v=e9OzHIoM5mc[/youtubegallery] | |||
More handouts >> | More learning modules >> | More audio clips >> | More videos >> |
PAGTATAYA NG KEY CHECK
Anihin ang palay kung ang 20% o 1/5 na ng mga butil sa batok ng uhay ay malabato na. Pisilin ang butil sa puno ng uhay sa pamamagitan ng hinlalaki at hintuturo upang malaman kung ito ay malabato na. Kung kulay ginto na ang karamihan sa mga butil sa uhay, ito ay pwede nang anihin.
Ang pag-aani ng mas maaga ay nagreresulta ng pagkagapas ng maraming hindi pa hinog na mga butil at mababang porsiyento lang ng bigas ang makukuha dito kapag giniling. Kung mas huli naman, marami sa mga butil ang malulugas at maraming mawawala dahil sa pagkadurog sa panahon nang paggiling.
MGA REKOMENDASYON UPANG MAKAMIT ANG KEY CHECK
- Giikin agad ang palay ng hindi lalagpas sa 1 araw pagkaani para sa tag-ulan at 2 araw naman kapag tag-araw. Gumamit ng malinis na makinang panggiik na may tamang settings.
Anihin ang palay kung ang moisture content nito ay 20-25% kung tag-ulan at 18-21% kung tag-araw. Iminumung-kahing gumamit ng Grain Moisture Meter. - Huwag imbakin ang mga naaning palay ng higit sa isang araw sapagkat mag-iinit ang mga ito. Ito ay nagiging sanhi ng pangingitim at pagbaba ng kalidad ng nagiling na palay.
- Ilagay sa tamang bilis ang makinang panggiik (mga 800 rpm) para maging maganda ang unang paglilinis ng aning palay. Ang masyadong mabilis na makinang pang-giik ay nagreresulta sa mas mataas o mas maraming butil na sira, samantalang ang mabagal naman na settings ay nagreresulta sa maraming palay na hindi nagigiik at nasasayang lamang.