Pagtatanim

Seeds Land Planting Nutrient Water Pest Harvest

crop-establishment-img
Nagsagawa ng sabayang pagtatanim
matapos pagpahingahin ang lupa.

  • Ang sabayang pagtatanim ay nakatutulong upang maiwasan ang pagdami ng populasyon ng mga pesteng kulisap at sakit ng palay.
  • Ang isang buwang pagkakatiwangwang o pagpapahinga ng lupa ay nagsisilbing hadlang sa inog ng buhay ng mga pesteng kulisap at sinisira nito ang pinamamahayan ng mga sakit.
  • Ang tubig-irigasyon sa komunidad ay kailangang isaalang-alang sa pamamaraang ito.

KEY CHECK 4: Pagtatanim – May sapat na dami ng malulusog na punla

 

HANDOUTS LEARNING MODULES AUDIO CLIPS VIDEO
[youtubegallery] | http://www.youtube.com/watch?v=lZAHasd1RtY[/youtubegallery]
More handouts >> More learning modules >> More audio clips >> More videos >>

  

PAGTATAYA NG KEY CHECK

Ang palayan ay dapat nakapagpahinga ng hindi bababa sa 30 araw. Ito ay dapat nataniman 14 na araw bago at 14 na araw matapos mataniman ang karamihan sa lugar na nasasakupan ng irigasyon.

MGA REKOMENDASYON UPANG MAKAMIT ANG KEY CHECK

  • Panatilihing nakatiwangwang o walang tanim ang bukid na hindi bababa ng 1 buwan mula sa pagkaani hanggang sa muling pagtatanim. Mahahadlangan nito ang inog ng buhay ng mga peste at makatutulong din ito upang maging matagumpay ang pamamahala sa tanim na palay.
  • Sundin ang kalendaryo ng pagtatanim. Makatutulong ito upang mas maraming bukid sa komunidad ang maabot ng tubig-irigasyon.