Pamamahala ng Tubig
Naiwasan ang sobra o kulang
na patubig na nakaaapekto sa
paglaki at ani ng palay.
Ang tubig ang nagdadala ng mahahalagang sustansiya mula sa lupa tungo sa iba’t-ibang bahagi ng palay.
Ang sapat na patubig ay nagreresulta sa maganda at malusog na tanim, magandang bulas, at normal na paglaki at mataas na ani.
HANDOUTS | LEARNING MODULES | AUDIO CLIPS | VIDEO |
---|---|---|---|
[youtubegallery] | http://www.youtube.com/watch?v=PxeXstE6M30[/youtubegallery] | |||
More handouts >> | More learning modules >> | More audio clips >> | More videos >> |
PAGTATAYA NG KEY CHECK
Hindi dapat makakita ng sintomas ng kakula-ngan ng tubig sa panahon ng pagdadahon, gaya ng:
- pagbilot ng dahon,
- pagkatuyo ng dulo ng dahon,
- makitid na dahon,
- bansot na tanim, at
- kakaunting suwi.
Hindi dapat kakitaan ng mga sintomas ng kakulangan sa tubig sa paglilihi hanggang paglalaman ng butil, gaya ng pagbibilot ng dahon, pagkatuyo ng dulo ng dahon, mahinang paglabas ng mga uhay, at maraming butil na walang laman.
Para sa mga 120-araw na binhi, ang paglilihi ay karaniwang nangyayari 40-45 ALT o 61-65 AST, at nahihinog 70-100 ALT o 91-120 AST. Malabato na ang yugto, isa hanggang dalawang linggo bago gumulang o anihin.
MGA REKOMENDASYON UPANG MAKAMIT ANG KEY CHECK
-
Magkaroon ng 3-5 sentimetro (sm) na lalim ng tubig sa tuwing magpapatubig mula sa panahon ng pagsusuwi hanggang 1 o 2 linggo bago umani.
Ang pagpapanatili ng 3-5 sm na lalim ng tubig (halos kasing taas ng hinlalaki sa kamay) mula 10 ALT o 15 AST hanggang sa paggulang ng butil ay magbibigay ng kasiguraduhan na may sapat na tubig para sa maayos na paglaki at magandang ani ng palay. Gayon pa man, posibleng hindi maging sapat ang tubig-irigasyon upang panatilihing may tubig ang pinitak. Habang ang pagpapa-lubog ng pinitak sa partikular na lalim ay nakasusugpo sa mga mga damo, ang lupa naman na mamasa-masa lang sa simula ng paglaki ng palay ay nakatutulong para hindi gaanong maka-libot at makapinsala ang mga kuhol.
Ang kontroladong pagpapatubig o controlled irrigation na hindi nakapagdudulot ng kakulangan o pagkasobra sa tubig o makaaapekto sa paglaki ng palay ay maaaring ipatupad para sa episyenteng paggamit ng tubig. Bago muling magpatubig sa ganitong sistema, ang taas ng tubig mula sa lupa na 5 sm ay hinahayaang bumalong ng hanggang 15 sm sa ibaba ng lupa sa tag-araw at 20 sm naman kung tag-ulan. Ito ay maaaring isagawa mula sa pagkalipat-tanim hanggang sa huling yugto ng pagsu-suwi. Sa panahon ng pagsapaw o pamumulaklak, ay panati-lihing 3-5 sm ang lalim ng tubig.
Para malaman ang lalim ng perched water table, ibaon sa bukid ang 20 sm ng tubo o kawayang may habang 30 sm. Lagyan ito ng mga butas bago ibaon.
-
Patuyuan o huwag nang magpatubig 1-2 linggo bago umani. Para sa mga medyo pinong lupa (galas), magpatuyo 1 linggo bago mag-ani. Para naman sa lupang pino (lagkitin), magpatuyo 2 linggo bago mag-ani.
Ito ay magbibigay ng kasiguruhan na may sapat na tubig pa sa lupa upang mahusto ang paglalaman ng mga butil at mapadadali rin ang mga operasyon ng pag-aani. Makatu-tulong din ito upang masigurado ang mas magandang mga butil, at hindi matalansikan ng putik at tubig ang mga butil.