Pagpili ng Binhi at Barayti

Seeds Land Planting Nutrient Water Pest Harvest
variety-and-seed-selection-img

Gumamit ng mataas na kalidad na
binhi ng rekomendadong barayti.

  • kakaunti ang halong buto ng mga damo at ng ibang barayti/pananim;
  • puno at pantay ang laki;
  • walang pipis at pantay ang hugis o laki;
  • walang peste o sakit na nagmumula sa binhi (seed-borne);
  • may antas ng pagsibol na hindi bababa sa 85%;
  • ang paggamit nito ay nangangailangan ng kakaunting dami ng binhi na nagreresulta sa mas pantay-pantay at malulusog na punla; at
  • nagreresulta sa malulusog na punla na mas matatag sa peste at sakit.

Ang pantay na pagtubo ng mga punla ay nagpapahusay sa pagtatanim at pag-aani ng palay. Ang pagtaas ng ani ay nasisiguro sa paggamit ng mataas na kalidad ng binhi ng rekomendadong barayti sa mga lokal na kondisyon.

 
Download free materials.

HANDOUTS LEARNING MODULES AUDIO CLIPS VIDEO
[youtubegallery] | http://www.youtube.com/watch?v=P8klexXBpXw[/youtubegallery]
More handouts >> More learning modules >> More audio clips >> More videos >>

  

PAGTATAYA NG KEY CHECK

  • Ang binhing gagamitin ay sertipikado ng National Seed Quality Control Services (NSQCS) na mapatutunayan ng isang balidong tag (kulay pula kung ito ay foundation seeds, berde para sa registered seeds, at asul kung ito ay certified seeds).
  • Kung ang binhi ay inani ng magsasaka o inani mula sa certified seeds, kailangang nakapasa ito sa germination test
  • Ang barayti ay kailangang akma sa kapaligiran (halimbawa, may barayti sa sakahang may patubig, sahod-ulan, sakahang maalat o pinapasok ng tubig alat); sumasagot sa karaniwang problema sa lugar (hal. resistensya o kakayahang magtagal sa istres); o di kaya ay nagpakita ng magandang performance sa higit 2 season ng field trials. Ang resulta ng multi-adaption trials sa probinsya o sa Location-Specific Technology Development trials ay maaring gamitin.

MGA REKOMENDASYON UPANG MAKAMIT ANG KEY CHECK

  • Bumili ng mga binhi mula sa mga accredited seed growers o sa mga miyembro ng National Rice Seed Production Network (SeedNet).
  • Kung walang accredited seed growers sa lugar, kumuha ng mga binhi sa mga mapagkakatiwalaang magsasaka (halimabawa, mga magsasaka na ang sakahan ay may pantay na pagtubo ng pananim) o di kaya ay magparami ng mga binhi na may mataas na kalidad sa pamamagitan ng pagsunod sa tamang mga hakbang, lalo na ang pagtatanggal ng mga halo o off-types. Subalit, siguruhing maisagawa ang seed germination test upang masiguro ang kalidad. Kailangang may antas ng pagsibol na di bababa sa 85%.
  • Kung ang barayti ay hindi pa nasubukan sa lugar, magsagawa ng paunang pagpili base sa rekomendadong kapaligiran at panahon ng pagtatanim. Pagkatapos, magsagawa ng trial nang di bababa sa dalawang cropping seasons sa lugar. Sundin ang tamang paraan ng pagsasagawa ng adaptability trial.
  • Sa mga lugar na sahod-ulan, ang mga magsasaka ay kadalasang gumagamit ng mga barayti para sa sakahang may tiyak na patubig dahil sa walang mapagkukunan ng mga barayti para sa sahod-ulan. Inirerekomenda na pumili muna ng mga barayti na para sa kapaligirang sahod-ulan. Isaalang-alang din ang mga tradisyonal na barayti o yaong mga ginagamit na sa rehiyon para sa sakahang sahod-ulan.
  • Madalas na gusto ng mga magsasaka ang mga bagong barayti sa paniniwalang umaani ito ng marami. Subalit, ang barayti ay inilalabas hindi lamang dahil sa taas ng ani. Ito ay maaaring may mas magandang kalidad ng butil, o resistensya sa peste. Kung kaya, importanteng alamin ang mga katangian ng mga barayti at magsagawa ng adaptability trials.