Pamamahala ng Peste

Seeds Land Planting Nutrient Water Pest Harvest

pest-management-imgHindi bumaba ang ani sanhi ng
pinsalang dulot ng mga peste.

Ang pamamahala ng peste ay bahagi ng pagtatanim ng palay. Ang kaalaman sa interaksiyon ng palay sa mga may buhay na nakaaapekto sa kanyang paglaki (biotic factors), kapaligiran (agro-ecosystem), at sistema ng pangangalaga ng tanim ay tiyak na makatutulong para maunawaan ang kakayahang makapaminsala ng mga peste.

 

HANDOUTS LEARNING MODULES AUDIO CLIPS VIDEO
[youtubegallery] | http://www.youtube.com/watch?v=PxeXstE6M30[/youtubegallery]
More handouts >> More learning modules >> More audio clips >> More videos >>

  

PAGTATAYA NG KEY CHECK

Hindi bumaba ang ani sanhi ng mga pesteng kulisap, sakit, damo, daga, kuhol at ibon. Malaki ang pinsalang nagawa ng mga peste kung ito ay tulad ng isinasalarawan sa Talaan 4, Talaan 5, at Talaan 6.

MGA REKOMENDASYON UPANG MAKAMIT ANG KEY CHECK

  • Magtanim ng mga binhi na mataas ang resistensya sa peste at sakit na karaniwan sa lugar. Ang paggamit ng maresistensyang barayti ang siyang pangunahing depensa sa pamamahala ng peste at angkop sa maka-kalikasang pagkontrol ng peste.

    Magpalit o maghalili ng barayti tuwing ikalawa hanggang ika-apat na taniman para maabala ang paglaganap ng mga pesteng kulisap at mga sakit, at sa gayon ay maiwasan ang pagdami ng mga pesteng kulisap at mapaminsalang organismo na nagdadala ng sakit.

  • Ipatupad sa komunidad ang sabayang pagtatanim matapos pagpahingahin ang lupa o fallow period.

  • Pangalagaan ang mga kapaki-pakinabang na organismo. Maraming kapaki-pakinabang na organismo na naka-paligid sa palayan na maaaring gamiting pamalit sa pestisidyo. Ang walang humpay o walang tigil na paggamit ng mga pestisidyo ay sumisira sa balanse ng tamang dami ng mga pesteng kulisap at kaibigang organismo. Ang pangangalaga sa mga kaibigang organismo ay ligtas, pinakamura, at pang-matagalan. Halimbawa, ang mahabang sungot na tipaklong o grasshopper ay kumakain sa mga kumpol na itlog ng stem borer at ang mga gagamba naman ay kumakain ng mga inakay at matatandang ngusong kabayo at hanip.
  • Pagkilala sa mga peste

    Kung ang isang pesteng kulisap o sakit ay hindi tiyak na makilala, sumangguni sa mga espesyalista sa peste (entomologist/plant pathologist) upang makilala ang mga organismo at malaman ang mga dapat isagawa hinggil dito tulad ng paggamit ng mga pestisidyo, biological agent, o kultural na pamamaraan.