Sistemang PalayCheck

Palay-Check-is-simply-LEARNING-CHECKING-SHARING-for-best-farming-practices

Sistemang PalayCheck para sa
Palayang may Patubig

Ang PalayCheck ay isang gabay sa pagpapalayan o sistema ng pamamahala ng palay na:

  • Nagpapakita ng pinakamahusay na teknolohiya para makamit ang Key Check;
  • Humihikayat sa mga magsasaka na ikumpara sa kanilang kasalukuyang
    pamamaraan ng pagsasaka ang mga rekomendadong pamamaraan; at
  • Nagtuturo sa pamamagitan ng sama-samang diskusyon
    ng mga magsasaka nang sa gayon ay maiwasto ang mga
    pagkukulang sa pagpapalayan at maitaas ang ani at kita
    at mapanatiling ligtas ang kapaligiran.

PAGSASAGAWA

Ang bawat lugar na paggaganapan ng PalayCheck ay dapat magkaroon ng isang demonstration field upang ipakita ang mga rekomendasyon, isang grupo ng mga magsasaka, at piling mga tagapamagitan o resource person. Ang demonstration field ay isa sa mga bukid ng mga magsasakang kabilang sa grupo. Mas maganda kung ang bukid na ito ay may lawak na hindi bababa sa kalahating ektarya, malapit sa daan, medyo malayo sa bukid na ginamitan ng ibang teknolohiya, at malapit sa lugar kung saan regular na magdaraos ng pagpupulong.

Ang binhi at mga pataba ay maaaring ipagkaloob ng libre upang masiguradong masususnod ang mga rekomendasyon. Ang huwarang bukid o demonstration field ang magiging batayan ng pagtaya ng mga kalakasan at kahinaan ng pamamahala ng bawat magsasaka at mga talakayan at pag-aaral ng mga kinakailangang pagbabago upang mapataas ang ani at kita. Ang mga kalapit-bukid ng mga kabilang sa grupo ay may kalayaang pumili kung susundin nila o hindi ang mga rekomendasyon ng PalayCheck.

Ang grupo na magsasagawa ng PalayCheck ay mayroong 15-25 na magsasaka na kabilang sa iisang komunidad o lugar. Ang grupo ay magpu-pulong bago, habang, at pagkatapos magsaka upang mapag-aralan ang mga pamamaraan ng pagsasaka, pagsalakay ng mga peste, pagtaas ng ani at kita, at kondisyon ng panahon; ikumpara ang PalayCheck demonstration field o demo field ng farmer-partner sa ibang magsasakang kabilang sa grupo o farmer-cooperator; talakayin ang mga dahilan kung bakit nakamit o hindi nakamit ang mga Key Check base sa kanilang mga kaalaman at karanasan; plano para sa mga gawain sa susunod na pagpupulong; at pagtatala ng mga gawain at resulta sa demo field at sa bukid ng ibang farmer-cooperators.

Ang mga pamamaraan ng pagsasaka, pagka-kamit o hindi ng Key Check, at dami ng ani ay susuriin sa bawat lugar. Ang resulta ng pagtaya ay ipaaalam sa huling pagpupulong (pagkatapos umani) kung saan magkakaroon ng huling pagsusuri at pagbibigay-kahulugan sa pagkamit ng Key Check at kinalabasan ng ani ng bawat magsasakang kasama sa grupo.

Tunay na ang PalayCheck ay makatutulong sa mga magsasakang magkaroon ng mas mataas na ani sa pamamagitan ng wastong pamama-hala ng palay, subalit dapat pa rin bigyang-diin ang pamamaraan ng pagkatuto dito. Ang pagka-tutong ito ay nagaganap bago magtanim, habang lumalaki ang palay, at matapos anihin ang palay. Maaaring ikumpara ng isang magsasaka sa grupo ang kaniyang pagkakaganap at pamama-hala sa inaasahang kalalabasan (ani, kalidad, epekto sa kapaligiran) o pagkamit ng Key Check.

Dahil sa kakulangan sa pera, mayroong mga pagkakataon na ang ibang magsasaka sa grupo ay hindi lubos na sinusunod ang mga rekomendasyon ng PalayCheck. Ang pagtatagum-pay, problema, at pagkabigo ay maintindihan at dahil dito, ang mga karampatang pagbabago ay maisasagawa sa susunod na taniman.

  • Pagsubaybay at pagtatala ng mga ginamit sa bukid at pagkamit ng mga Key Check sa bawat yugto ng paglaki ng palay.
  • Pagtulong sa mga magsasaka na tayahin ang Key Check at alamin ang mga kadahilanan ng pagkamit o hindi pagkamit ng Key Check.

MGA HAKBANG

1. Pamahalaan ang mga tanim na palay gamit ang Key Check.
Ang PalayCheck ay gumawa ng isang pakete ng rekomendadong teknolohiya. Bigyang-diin sa mga magsasaka na ang Key Check ang pinakamaha-lagang rekomendasyon upang maabot ang mataas na ani at ito ay nangangailangan ng atensyon at panahon. Ang isang yugto ng pama-mahala ng palay ay maaaring magkaroon higit pa sa isang Key Check. Ang bawat batayang ito ay iniayos nang may estruktura. Kung kaya ang bawat Key Check ay mayroong sumusunod:

  • Yugto ng Pamamahala. Halimbawa, sa Kalidad ng Ani, Ang Key Check ay “Gumamit ng certified seeds ng rekomendadong barayti”.
  • Pagtaya ng Key Check. Ito ang tagapagsaad o tumitiyak sa pamamaraan upang malaman kung nakamit o hindi ang Key Check. Halimabawa, Ang binhi ng mas pinagandang barayti ng palay ay sertipikado ng NSQCS na pinatutunayan ng tarheta o tag sa sako. Kung ito ay nakamit, bigyan ng tsek (/). Kung hindi naman, ito ay bigyan ng ekis (x).
  • Kahalagahan. Ipinakikita nito kung bakit mahalaga ang Key Check sa pagkamit ng mithiing pagtaas ng ani. Halimbawa, ang certified seeds o sertipikadong binhi ay puro, malinis, buo at pare-pareho ang sukat, at may pagtubong hindi bababa sa 85%.
  • Rekomendadong pamamahala. Ang mga gawain na kailangan upang makamit ang Key Check at kaakibat na pamamaraan sa pagpapalay ay ipinaliliwanag. Halimbawa, pumili ng barayti na may potensyal na umani ng mataas, mabili sa merkado, at subok na sa technology demonstration o adaptability trial. Ang mga rekomendadong gawain o pamama-raan ay ang inputs samantalang ang mga Key Check naman ay ang outputs.

2. Obserbahan, sukatin, at itala ang paglaki ng palay at isinagawang pamamahala.
Hikayatin at gabayan ang mga magsasaka na obserbahan ang palay ng regular at tingnan ito ng malapitan sa pamamagitan ng paglusong sa bukid, at hindi ng basta pagtingin lamang sa malayuan. Habang naglalakad sa bukid, ipakita sa kanila kung paano sukatin ang paglaki o pagyabong ng palay at ang pagsasagawa ng pamamahala. Gumamit ng ruler, magbilang, o magtimbang. Huwag manghula. Itala ang mga sukat. Ang pagtatala ay mahalagang parte ng paggamit ng PalayCheck upang masigu-rado na magagamit pa ang mga impormasyong ito sa hinaharap. Gamitin ang mga nakalaang talaan o ang isang kwaderno. Huwag umasa sa inyong memorya; magtala ng mga detalye.
3. Magkumpara at bigyang-kahulugan ang mga resulta upang malaman kung ano ang problema.
Gabayan ang mga magsasaka sa pagbibigay-halaga at pagsusuri ng relasyon sa pagitan ng mga paraan ng pamamahala, pagsusukat, at kinalabasang ani upang malaman kung ano pa ang maaaring magawa upang mapaganda ang ani. Tanungin sila kung paano nila nakuha ang ganoong ani.
4. Gumawa ng paraan upang maitama ang problema sa pamamahala sa susunod na taniman.
Tulungan ang mga magsasaka na pagandahin ang pamamahala nila sa palay upang maiwasan ang hindi magandang resulta, o ulitin ang mga pamamaraan na nagbigay ng magandang ani. Matuto mula sa inyong mga karanasan. (Kahon 2)

ESTRATEHIYA

Ang pagkatuto ng mga magsasaka ng sama-sama sa pamamagitan ng regular na pulong at palitan ng kuru-kuro at pansariling mga karanasan ay kaila-ngan upang matulungan ang mga magsasaka na matutunan ang PalayCheck. Sa mga pulong na ito at sa pamamagitan ng technology demonstrations, naikukumpara ang paraan ng pagsasaka, pama-mahala, dami, at kalidad ng ani (Kahon 1).
Ang PalayCheck ay gumagamit ng mga sumusunod na estratehiya:

  • Pagpakete ng mga importanteng teknolohiya bilang Key Check.
  • Paggawa nang kasama ang isang grupo ng magsasaka upang alamin ang mga prob-lema sa bukid, ipakita ang mga Key Check, at tulungan ang mga magsasakang matutunan ang PalayCheck sa pamamagitan ng pagku-kumpara sa ibang mga magsasaka ng kanilang mga gawa, pamamahala, at ani, gayundin ng kita.
  • Pagtuturo sa mga magsasaka kung paano suriin ang kanilang pangkasalukuyang pag-gawa sa bukid, at kung paano pagagandahin pa ang kanilang pamamahala gamit ang mga Key Check.
  • Pagsubaybay at pagtatala ng mga ginamit sa bukid at pagkamit ng mga Key Check sa bawat yugto ng paglaki ng palay.
    Pagtulong sa mga magsasaka na tayahin ang Key Check at alamin ang mga kadahilanan ng pagkamit o hindi pagkamit ng Key Check.